EPISODE 39 RACHEL’S POINT OF VIEW. Ngayon na ang kasal namin ni Louis Anderson. Kinakabahan na ako dahil pakiramdam ko ay may pipigil sa aming pagmamahalang dalawa. Isang buwan na ang nakalipas simula noong sinabi ni Louis na gusto niya akong pakasalan at seryoso talaga siya doon kaya sa loob ng isang buwan ay wala kaming ginawa kundi mag prepare para sa nalalapit naming kasal. Kinakabahan din ako ngayon dahil may sasabihin akong importante kay Louis pagkatapos naming ikasal at ito ay ang buntis ako. Oo, buntis nga ako at noong isang linggo ko lang nalaman. Gusto ko sana sabihin kaagad kay Louis pero gusto ko siyang e-surprise kaya naisipan kong sasabihin ko nalang ang tungkol sa pagbubuntis ko pagkatapos ng kasal namin ngayon. “Hoy, Rachel Davina! Kanina ka pa nakasimangot diyan, akal

