EPISODE 50 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Hindi niyo ba na track ang number na ginamit pang send sa litrato ni Alec sa atin, Louis?” tanong ko sa aking asawa. Nandito sila ngayon sa mansion at may mga kasama siyang mga special agents at ipa pang makakatulong sa paghahanap ng aming anak. “We already did that, Mrs. Coleman, pero hindi na namin ito ma trace dahil mabilis na nag bago ng numero ang kidnapper,” wika ng lalaki na nakasuot ngayon ng eye glasses habang naka harap sa laptop. Napakagat naman ako sa aking labi sa sinabi nito at mas lalo pang kinabahan. Napatingin ako sa aking asawa ngayon at nakita ko siyang nakatitig sa screen ng laptop ng isang mga kasamahan ng imbestigador ngayon at ang ginagawa nila ay hanapin kung saan si Jennifer ngayon. “There! Paki zoom niyo ‘yan! That’s Jenn

