EPISODE 45 RACHEL’S POINT OF VIEW. “Mommy, where are we?” tanong ng anak ko na bagong gising lang ngayon. Lumapit ako sa kaniya at hinalikan ang kaniyang pisngi. Kinukusot niya ngayon ang kaniya mga mata at ngumusong napatingin sa akin. Hindi ko napigilang kurotin ang pisngi niya dahil ang cute niya talaga sobra! “Nandito na tayo sa mansion ng Mommy La at Daddy Lo mo, anak,” malambing kong sagot sa kaniyang tanong at hinaplos ang kaniyang pisngi. Nanlaki naman ang kaniyang mga mata at napatayo sa kama ngayon at nag tatalon talon. “Hey, hyper ka na naman!” natatawa kong sabi at hinila na paupo ulit si Alec. Ang batang ito! Hindi naman ako ganito kakulit noong bata ako, don’t tell me nagmana na naman siya sa tatay niya? Hay nako. Bago kami lumabas ni Alexander sa kwarto upang kitain

