EPISODE 32 5 YEARS LATER… RACHEL’S POINT OF VIEW. “Rachel Davina Mijares! What the heck are you doing?!” Napatigil ako sa aking pag inom ng alak nang makita ko ang aking pinakamamahal na best friend. “Bonnie! My favorite friend!” lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. Wala siyang nagawa kundi kayapin din ako pabalik kahit nakasimangot pa rin siya hanggang ngayon. Nang matapos na kaming magyakapan ay napakunot ang aking noo habang nakatingin sa kaniya. “Paano mo ako nahapan dito, Bonnie?” I asked. Nandito ako ngayon sa Las Vegas at kasalukuyan ako ngayon na nasa bar habang nagsasaya. Tinaasan niya ako nang kilay. Kinuha niya naman ang aking baso na may laman pang alak at agad itong tinunga. Hindi ko mapigilang mamangha sa kaniyang ginawa. “Woah! That was cool, Bonnie!” nakangisi

