Sa mismong ospital lumitaw sina Alena. Si Peri naman ay tuluyan ng nawalan ng malay, lumaki na rin ang tiyan nito tama lamang sa kabuwanan nito. Halos segundo lamang sila ng makarating sa mundo ng mga tao, kaya kung iisipin ei napakaimposible ang pagbabago ng tiyan ni Peri kaya lang ganon talaga ei, kahit siya di nalang din iniisip dahil ikakabaliw lamang niya iyon. Araw sa mundo ng mga tao kaya maraming tao sa ospital mabuti na lamang at walang nakapansin sa kanila ng lumitaw sila. Humingi siya ng tulong sa nurse na nakita niya, agad naman sila nitong inassist. Ilang sandali lamang ay naipasok na sa emergency room si Peri. Tama nga ang hinala nya, isinailalim nga ito sa operation. Kinailangang i-cesarean ito para mailigtas ang bata, isa pa nalason na daw ang katawan ni Peri at kelanga

