May inilagay na kung ano sa dalawang kupita at saka ibinigay iyon sa kanila ni Haring Saithon, tsaka iminuwestra ng Diwata ng buwan na inumin nila iyon. Nagulat siya ng ipaikot ni Haring Saithon ang kamay nito sa kanya parang love shot ang nais nitong gawin kaya sinunod nalang niya ito. Nagkaingay ang mga bisita nilang nandoroon, napangiti siya kahit pala sa mundong ito ay uso din ang loveshot. Sunod na ginawa ay tila may pinahid ang Diwata ng buwan sa mga noo nila. Kasunod niyon ang pag-awit at pagsayaw ng mga cute na cute na lambana na nasa kanilang mga ulunan. Kasunod non ay nagpalabas ng kakaibang liwanag ang Diwata ng buwan habang may mga binabanggit itong kakaibang salita na hindi niya maintindihan. Sumaboy ang liwanag na iyon sa buong lugar kaya naman kahit panandalian tila nagi

