“Here.” Inabot sa akin ni Kai ang isang bote ng kulay pink na energy drink. Muli, pinasadahan niya ng tingin ang likod ng kanyang kotse. Hindi ito ang kalimitan niyang ginagamit na kanyang itim na pick-up. Kulay puti ito ngayon atsaka may tatlong triangle sa harapan. “May dadalhin ka pa ba? Nakalimutan? Anything before we go, Rina?” aniya nang matapos ang pagchi-check sa mga gamit. “Wala na,” sagot ko naman. Kagabi, nag-empake ako ng pangtatlong araw at dalawang gabi dahil tatlong araw daw kami roon. Hindi ko alam kung papaano ipapaliwanag ang saya nang payagan ni Nanay Merida kagabi. “Inaasahan ko ho kayo, señorito. Anak ko ho si Rina at mahal ko ‘yan. Pakikiingatan lang ho dahil malaki ang tiwala ko sa inyo, ser,” aniya habang naningkit ang mga mata. “Makakaasa po

