“Talaga, Ate Rina? Twenty-one? Ang galing mo naman pala sa Math! Ang husay!” Kumikislap ang mga mata ni Ada habang nagsusulat sa kanyang kwarderno kahit na naglalakad kami. Umiling naman ako atsaka pinakita ang dalang isang bayong na kamote. “Sanay lang talaga, Ada. Kung magaling ngarod ako sa matematiko, iyon naman ang hinina ko sa ingles.” “Sabi ni ‘Ka Valdez, kapag raw’ng magaling sa English ay mahina na sa Math. Kapag naman magaling sa Math ay mahina sa English! E ‘di, ibig sabihin, magaling ako sa English? Kasi hindi ako magaling sa Math?” Nanlalaki ang kanyang mga mata. “Ano kamo? Naguguluhan ako.” halakhak ko. Ang bilis kasi at ang tinis ng boses. Saktong paparaan naman kaming balkunahe ng mansion. Imboluntaryong napatingala kaagad ako, naghahanap. Bumuntong-hininga

