Episode 4

2331 Words
Only you in my Heart Chapter 4 Nakaramdam naman nang lungkot si Heaven,nang tawagin na siya nang mga guest,gusto na kasi bumalik nang mga guest nila sa hotel.Nag eenjoy pa kasi siya kakapost at tumitig sa gwapong mukha nang binata.Nalulungkot siyang isipin na baka hindi na niya ito makita muli.Nakakainlove kasi ang dimple niya,at kung pano ito ngumiti.Kung pwede lang tumigil ang oras ginawa niya na,kung pwede lang sana mag paiwan at samahan si joshua mamasyal gagawin niya sana,hindi niya alam ang nararamdaman niya sa binata kahit ngayon niya lang ito nakilala.Pero komportable siyang kausap si joshua kahit ilang oras pa silang magka kilala.. "Joshua,mauna na kami ha."paalam niya sa binata. "Okay,ingat kayo heaven.Nag enjoy akong kuhanan ka nang picture,pag magkita tayo ulit ibibigay ko sayo ang copy nang picture mo."ngiting saad nito. "Okay,sana nga magkita pa tayo ulit."sabi niya sa binata at dahan-dahan na tumalikod para umalis. "Bye'bye,kumaway pa siya kay joshua bago tuluyan siyang sumakay.Nakita niyang kumaway din sa kanya si joshua at nginitian siya nito. "Masarap pala sa pakiramdam pag may crush ka."bulong niya habang nakatanaw sa bintana nang sasakyan. Ilang minuto lang nakarating na sila sa hotel,gabi na rin sila nakauwi sa pamamasyal. "Salamat heaven sa pagsama samin,sobra kaming nag enjoy kahit hindi nakarating fiance ko ngayon."sabi sa kanya nang isang babaeng guest nila. "Welcome po bukas ulit,baka bukas andito na fiance mo."ngiti niyang saad sa guest,mukha kasi itong nalungkot nang maalala niya fiance niya. Pagkatapos umakyat nang mga guest at pumasok na sa mga room nila ay pinuntahan agad niya ang kanyang ama,kinabahan siya nang maabutan niya na parang namimilipit ito sa sakit. "Papa,papa!anong nangyari?" "Wala ito anak,wag kang mag alala." "Paanong hindi ako mag aalala papa,sa nakikita ko parang namimilipit kayo sa sakit,punta na kaya tayo sa ospital." "Ok lang ako anak,masakit lang ang tuhod ko pero maya-maya mawawala din ito,kunin mo na lang gamot ko sa drawer. "Okay,sigurado ka papa ayaw mo pumunta sa ospital?Baka lumala ung diabetes at rayuma mo papa,buti na yung ipa check natin sa doktor."nag-aala niyang sabi sa ama. "Okay,nga lang ako anak.Dina kailangan yun." "Ok,papa sige di na kita kukulitin,basta pag may sakit kang naramdaman mag sabi ka agad sakin ha."Tumango lang ang kanyang papa at nginitian siya.Kaya nagpaalam narin siyang papasok nang room niya para makapahinga narin. Kinabukasan maaga siyang nagising at pinuntahan agad ang kanyang papa para kamustahin kung masama parin ba pakiramdam nito. "Papa,ok na po ba kayo wala naba kayong naramdamang Sakit?" "Oo,anak ok nako." "Mabuti naman kung ganun papa,wag ka lang masyadong magpapagod ha." Natigil naman ang pag uusap nila nang kanyang papa nang biglang may sumigaw.Kaya mabilis silang lumabas nang hotel kita nila si ate ninfa at ate jasmin na may tinitingnan sa taas at sumigaw. "Ma'am,wag niyong gawin yan bumaba kayo rito at bitawan niyo ang hawak niyong kutsilyo baka masugatan kayo!sigaw ni ate ninfa." "Gusto ko nang mamatay,iniwan na ako nang fiance ko niloko ako at sumama sa kaibigan ko."sigaw nang guest nila na kausap niya kagabi.Kita ni Heaven,na inilapit na niya ang kutsilyo sa leeg niya kaya agad siyang tumakbo sa room nito at binuksan niya iyun,pero naka lock ito.Naisipan niya na lang katukin nang mabilis ang kabilang kwarto at doon dumaan sa balkonahe,sunod sunod na katok ang ginawa niya.Pagbukas nang pinto agad sana siyang papasok at tumakbo kaso nagulat siya sa nakita.Nang buksan ito nang lalaking nakahubad na towel lang nakatakip sa baba nitong katawan."si joshua. Pareho silang nagkatitigan at nagulat kaya nawalan siya nang balanse at natumba sa harapan nito,pareho silang nahiga sa sahig pumaibabaw siya sa binata,habang ang kamay niya nakalapat sa magkabilaang n****e nito. Nanlaki mata niya at agad itinaas ang dalawa niyang kamay sa pagkalapat sa dibdib nito.Kita niyang napalunok ito at itinuro sa kanya ang pagkakadapa niya dito at ramdam niya ang alaga nito na nasagi nang hita niya kaya agad siyang tumayo,at ibinaling ang mata sa balkonahe at agad na tumakbo doon nang akma na siyang tatawid sa kabilang balkonahe,nang biglang hawakan ni joshua ang kamay niya. "Ako na ang kakausap."mahinahon niyang sabi nito at agad na kumilos. Tumawid siya sa balkonahe,ilang minuto lang napapayag ni joshua na kumalma ang babae at nabuksan narin ni joshua ang naka lock na pinto nito. Gulat naman si Heaven,nang lumabas si joshua na yakap yakap na siya nang babae nang mahigpit,kita niyang nagpupumiglas si joshua kaso mahigpit talaga ang pagkakayakap nito sa kanyang katawan na towel lang nakatakip. "Kung ganito ba naman ka gwapo ang hero ko,bakit pa ko magpapakamatay nakangising sabi nang babae sa kanya na tinawanan niya lang din dahil sa nakikita niyang itsura ni joshua."Ngayon,never naku magpapakamatay dahil naniwala nku sa kasabihan pag may nawala may dumating.Ang guwapo-guwapo na hero ang binigay sakin ni GoD hindi nangalahati ang fiance ko na mukhang unggoy,."sabi nang guest nila habang hawak hawak nito ang mukha ni joshua. Maya-maya bumulong si Joshua kay Heaven. "Tulungan mo ko makawala sa babaeng to."nakakunot noo na sabi ni Joshua. Napangiti naman siya sa sinabi ni joshua,at binulungan niya din ito. "Kaya mo na yan,tiyaka mukhang hindi kana makakatakas sa kanya." natatawa niyang biro dito.Pero maya-maya ay mabilis itinulak ni joshua ang babae papalayo sa kanya. "Magbibihis muna ako."agad na sabi ni joshua at mabilis na tumakbo papasok sa room niya at ini-lock ang pinto. Habang nasa loob nang grocerihan,si Heaven, nang pumasok si Joshua at bumili nang maiinom nang makita niya ito ay ngumiti agad ito sa kanya at lumapit. "Anong gagawin mo diyan?"Bungad na tanung ni Joshua.. "Eh dedeliver ko ito sa bundok kay lola thelma."agad niyang tugon sa binata.Inihanda niya kasi sa malaking supot na plastic ang grocering inorder nang matandang si lola thelma.Sa medyo bundok kasi ito nakatira tumatawag lang ito sa telepono pag mag order nang groceries,at siya na ang umaakyat sa tinitirhan nito,dahil matanda na ito kaya minsan na lang bumababa nang bundok. "Sasamahan kita,mahilig ako umakyat nang bundok."ngiting saad nang binata. "Sigurado ka medyo malayo pa yun lalakarin." "Kaya nga mas lalo kitang sasamahan,ang bigat bigat niyang grocerie tapos ikaw lang magbubuhat niyan paakyat nang bundok." "Okay lang,sanay naman na ako kasi lagi ko na to ginagawa kay lola thelma." "Sige na,payag ka nang samahan kita baka makita ko pa yung babae kanina eh."natatawang sabi ni Joshua. "Ok,sige kung mapilit ka."ngiti niyang sabi sa binata. "Ito na ba lahat ang dadalhin mo?" "Oo yan na lahat."Sabi niya dito na,agad naman binuhat ni Joshua ang isang sako na nilagyan nang mga supot na grocerie. "Akin na yung iba,baka mabigat."tugon niya sa binata. "Hindi kaya ko na to,magdala ka na lang nang tubig baka uhawin ako."nakangiting saad nito. Habang naglalakad sila paakyat sa lugar nang matandang si lola thelma ay nagtatawanan sila dahil sa kine-kuwento niya dito ang bawat tanim o kahoy na madaanan nila. "Mukhang alam mo lahat nang mga halaman at puno dito ah." "Oo naman,dito kasi ako ipinanganak at dito na rin yata tatanda'."ngiti niyang sabi sa binata."Ikaw pala,kailan ka pala napunta sa hotel namin?" "Ah,sinundan ko yung sasakyan niyo at tinanung ko na rin kung may bakante pang room,swerte ko naman dahil meron."nakangiting saad nito.. "Bakit mo naman ako sinundan? Hindi ka ba hinahanap dun sa inyo?" "Parang masarap ka kasi kasama at ka kuwentuhan.Tiyaka bakasyon ko ngayon kaya di nila ako hahanapin."ngiting tugon nang binata sa kanya. Dalawang oras rin ang kuwentuhan nila ni joshua,habang naglalakad sila sa bundok hindi niya ramdam ang pagod dahil napakasarap nito ka kuwentuhan hindi na nila namalayan na nakarating na pala sila sa bahay ni lola thelma. Naabutan nila si lola thelma na nagtatanim sa garden niya.Nang makita sila ay huminto ito sa kanyang ginagawa. "Nariyan kana pala,iha."Sino itong guwapong kasama mo?ito na ba ang unang nobyo mo?"sunod sunod na tanung ni lola thelma.Nakaramdam tuloy nang hiya si Heaven kay joshua. "Hindi po lola,kaibigan ko lang si joshua,sinamahan niya lang ako maghatid sayo nang grocerie mo." "Ah ganun ba iha,sayang naman akala ko makikita ko na at makilala ang unang nobyo mo." "Lola walang nagkakamaling manligaw sakin."bulong niya sa matanda na nagpangiti naman dito. "Bakit naman wala?napakaganda mo kaya,bawasan mo lang kunti pagiging masungit mo para hindi matakot sayo ang manliligaw mo."nakangiti nitong saad.Kita niyang napapangiti rin si joshua sa sinabi ni lola thelma. Pagkatapos silang painumin ni lola thelma nang juice ay nagpaalam na rin sila sa matanda na uuwi na. "Teka lang iha,ba't nagmamadali ka umuwi halika muna,titingnan ko ulit ang yung palad,kung nakilala mo na ba ang nakatadhana sayo."Ngumiti na lang si Heaven sa matanda at naupo ulit,at iniabot agad nito sa matanda ang kanyang palad.Sanay na kasi siya na lagi tinitingnan ni lola thelma ang palad niya.Habang tinitingnan ni lola thelma ang palad niya napapangiti siya sa reaction nang mukha nito,may ngingiti at lungkot sa reaction nang mukha nang matanda at sabay tingin sa kanilang dalawa ni joshua.Napapangiti na lamang sila ni joshua at nagkatitigan. "Iha,nakilala mo na pala ang lalaking nakatadhana sayo,kaso marami pa kayong pag dadaanang pagsubok bago niyo malaman sa isat isa na nagmamahalan kayo."sabi nang matanda.Nakangiti na lang siyang tumango sa matanda,hindi naman kasi siya naniniwala sa hula. "Ikaw naman iho.Patingin nang iyung palad."baling nang matanda kay joshua at kinuha agad ang kamay nito."Iho,ang babaeng una mong mamahalin ay nakilala muna kaso mabibigo ka sa iyung unang pag ibig. Nang marinig iyun ni Heaven, nalungkot naman siya para kay joshua,kahit na hindi siya naniniwala sa hula. "Talaga po lola?"tanung ni joshua. Tumango tango lang ang matanda,pagkatapos silang hulaan ay pumayag na itong umuwi sila. "Mag iingat kayo sa daan iha."tugon nang matanda. "Opo lola!sabi niya at tumalikod narin sila.Habang naglalakad sila hindi nakita ni joshua ang malalim na bangin kaya nahulog ito,nahawaKan niya pa ang kamay nito.Kaso mabigat ang binata kaya napasama siyang nahulog sa bangin nadaganan niya pa ito sa pagkakahulog nila.Nailapat na naman ang katawan niya sa katawan ni joshua na ikinapula naman nang mukha niya kaya agad naman tumayo si joshua habang yakap parin siya. "Ok ka lang?"agad nitong tanung sa kanya. "Oo,ok lang ako'ikaw? Tanung niya sa binata at agad na tumayo."Ouchh!!tili niya nang makaramdam nang sakit sa paa. "Anong nangyari?" "Na sprain ata paa ko,ang sakit kasi." Paano na yan,paano tayo makaka akyat sa taas." "Wag kang mag alala may pupunta naman sigurong tao,para tingnan kung may nahuli silang hayop." "Oo pero baka bukas pa yun."nag-aalala niyang sabi sa binata.Inalalayan siyang maupo sa tabi nito,hanggang sa dumilim na wala pa ring dumaan na tao. "Heaven naniniwala ka ba sa hula?" "Ha?!hindi eh"hindi ako naniniwala sa hula.Kasi para sakin tao ang gumagawa nang kapalaran nila." "Mabuti naman kung ganun,kasi ganun din ako di rin ako naniniwala sa hula at mas lalong di ako papayag na mabigo ako sa babaeng una kung mamahalin."seryosong saad nito na nakatitig sa kanya. "Tama kung mahal mo,dapat ipaglaban mo."tugon niya naman sa binata. Maya-maya ay nakaramdam na nang antok si Heaven. "Heaven,halika ipatong mo ang iyung ulo sa balikat ko para makatulog ka."sabi nang binata.Tumango na lamang siya kay joshua kahit medyo nahihiya siya ay ginawa niya parin ipatong ang ulo niya kay joshua,mas lalo siyang nakaramdam nang antok na maamoy ang mabangong katawan ni joshua na nkakapang akit.Ramdam niyang hinahaplos ni joshua ang buhok niya dahilan na mas lalo siyang nakatulog nang mahimbing. Nagising sila pareho ni joshua na maliwanag na ang sikat nang araw at may marinig na boses. "Akala ko,may nahuli na kong puwede gawing ulam,love birds pala nahulog sa trap ko."Ok lang ba kayo diyan?Gusto niyo na bang umakyat dito o mas gusto niyo pa diyan?!sigaw nang matandang lalaki na nasa taas nakaramdam pa nang hiya si Heaven sa sinabi nang matanda. "Manong,tulungan mo na lang kami umakyat."sigaw niya. "Oh,sige sandali lang." Agad naman inihulog nang matanda ang lubid na ginawang hagdan nang maka akyat na sila ay ngumiti pa ang matanda. "Bagay na bagay kayo,maganda at guwapo siguro magiging anak niyo kasing guwapo o kasiganda niyo pareho."nakangiting tugon nang matanda.Agad naman silang nagkatinginan ni joshua,mukhang madumi ang iniisip nang matanda.Kaya pareho silang napapangiti ni Joshua. Nang makauwi na sila ay nagpaalam na sa kanya si joshua na bumalik na sa kanyang room,siya naman ay pumasok din sa room niya at natulog muli. Hapon na nang magising si Heaven,at naglalakad sa tabi nang dalampasigan nang makasalubong niya ang dati niyang kaklase na kasama nito ang nobyo. "Heaven,ikaw na ba yan?"Bungad na tanung sa kanya na nginitian niya na lamang. "Oo,mahina niyang sabi dito. "Wala ka paring pinagbago,napakasimple mo parin hulaan ko hindi kapa nagkakajowa nuh?"Natatawang sabi nito na kinaiinisan niya naman. "Ha?!sinong may sabing wala akong jowa,may jowa ako nuh.Nag mamay-ari niyang sport car na pula."pagmamalaki niyang saad at itinuro ang naka park na sport car,dahil pagtatawanan naman siya nito. "Talaga?!jowa mo may ari niyan,sige nga pumunta ka sa engagement party ko at ipakilala mo samin jowa mo,maraming kaklase natin ang pupunta."tugon nito na agad naman napalunok si Heaven nang kanyang laway sa sinabi nito. "Ah hindi___. Di na natuloy ang sinabi niya nang may magsalita sa likuran niya si joshua. "Yes,pupunta kami nang myloves ko sa party niyo."sabi nito at agad siya inakbayan.Nakatulala namang nakatingin sa kanila ang kaklase niyang si lea at tinitingnan si joshua mula paa hanggang ulo. "Ah sige wait ko kayo heaven sige ha alis na kami."sabi nito at mabilis na umalis sa harapan nila. Pagkaalis ni lea ay agad namang tiningnan ni Heaven si joshua. "Bakit yun ang sinabi mo,pwede ko naman hindian yung party,tiyaka di naman kita boyfriend." "Gusto mo ba pagtawanan ka nila na hindi ka pumunta sa party dahil ang totoo wala kang boyfriend "ngiting sabi sa kanya ni joshua. "Eh,anong gagawin natin,ung sport car hindi ko alam kung sino may ari niyan." "Ako may ari niyan." "Huh sayo yan?! Gulat niyang tanung. "Oo,kaya walang problema ang pagpapanggap natin sa party nang mga kaklase mo."ngiting sabi nito at ginulo pa ang buhok niya at hinawakan kamay niya papunta sa sasakyan nito at pinaupo siya. "Saan tau pupunta?"Takang tanung niya sa binata. "Bibili tayo nang maisuot natin sa party na pupuntahan natin."ngiting sabi nito at agad na naupo sa driverseat at mabilis na pinaandar ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD