Heaven POV, Hinatid muna kami ni Moises sa bahay ni Tita Veronica bago ito umalis. "Daddy, balik ka agad ha!" sigaw ni Cloud ng nakababa na kami ng sasakyan niya. "Yes, Son, bukas andito na ulit si Daddy, alagaan mo si mommy mo ha," Ngiting saad ni Moises. "Ok Daddy.. I love you." "I love you to Son, I love you honey," saad ni Moises at nag flying kiss pa ito bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. "Mag iingat ka Honey!" Sigaw ko. Pagkaalis ni Moises ay pumasok narin kami ni Cloud, naabutan namin sila Papa, Tita Veronica at Vivian na nag-aalmusal. "Oh narito na pala kayo, nag-almusal na ba kayo? Baby Cloud, gusto mo ba timplahan kita ng milk?" Bungad na tanung ni Tita Veronica. "Hindi na po tita, nag almusal na kami bago pumunta rito," saad ko. "Heaven, papasok ka ba ngayon sa Ho

