Third Person's POV, Bumalik si Moises sa Hotel na wala sa sarili. Kita niya namang nasa labas na ng hotel si Heaven na hinihintay siya. Pansin naman agad ni Heaven si Moises na napakalungkot nang mukha nito, habang naglalakad papalapit sa kanya. "Moises, ok ka lang ba?" bungad na tanong ni Heaven. Gulat siya nang hindi na sumagot si Moises sa tanung sa kanya kundi yumakap na lang ito sa kanya ng mahigpit at halatang umiiyak ito nang walang tunog dahil sa pag yugyog ng balikat nito habang yakap siya nito. "Moises, anong nangyari?" pag aalala niyang tanong kaya hinawakan niya mukha ni Moises para tumingin sa kanya. "My Dad, Heaven, My dad, He's died. It's my fault, kasalanan ko Heaven, kasalanan ko. Kung mabilis ko lang nakita ang gamot niya at nakabalik agad sa kanya, hindi pa sana si

