SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 57 “DUKE, WHAT'S WRONG?” Untag ni Chantara kay Doukas. Hindi na niya napigilan na tanungin ito dahil nag-aalala siya sa biglang pananahimik nito. They were stuck in the heavy traffic while they were on their way to Madame Vera Vilchez’s building for almost half an hour now upang sunduin ang kanilang anak na si Damini kay Neptune. Mabagal ang usad ng trapiko at wala naman sanang kaso iyon kay Chantara dahil kasama naman niya si Doukas. Beside him is the best place she wanted to be stuck up pero kapag ganoong nananahimik ito at halatang may bumabagabag dito ay hindi rin niya matiis na huwag mag-aalala. Mula sa kakulangan ng ekspresyon ay sumilay ang ngiti sa mukha ni Doukas nang lingunin nito si Chantara sa passen

