Bisita

1500 Words
Pagkatapos namin kumain ni tiya ay naglinis na ako hindi naman masyadong madumi dahil kaming dalawa lang naman ni tiya nakatira dito kaya walang masyadong kalat halos alikabok lang sa mga hindi nagagamit na gamit katulad sa third floor na puro entertainment room pero hindi naman ginagamit ni tiya. Sa paglipas ng oras ay natapos ko na ang paglilinis sa buong bahay kaya naman nagpahinga na muna ako. Habang nagpapahinga nakita ko si tiya beth pababa nang hagdan basang-basa ng pawis siguro galing ito sa kanyang gym meron kaseng gym sa kanyang kwarto. “oh iha anong ginagawa mo diyan?” Tanong ng matandang babae sakin “nagpapahinga lamang po tiya kakatapos ko lang po kasi maglinis ng bahay” sagot ko naman kay tiya beth “ahh sige iha magluluto lang akong ng meryenda natin” sabi naman ng matanda nagulat ako roon sa kanyang sinabi kaya napatulala akong talaga sa kanya hindi naman siya nagluluto ng meryenda dahil pagkatapos nito mag gym i uutos ni tiya na magluto ako ng mamemeryenda niya kaya naman talagang nakakagulat. Sa pagkatulala ko hindi ko na napansin nakaalis na pala si tiya sa harap ko at papunta na ito ng kusina para magluto. Hinayaan ko na lamang baka asa good mood lang talaga siya ngayon. Lumabas na lamang ako at nag pahangin sa garden talaga namang marerelax ka dito dahil sa mga bulaklak na talaga namang alaga ni tiya may iba't ibang kulay ito may pink, red, violet, white, at may iba pa sa dami nito baka hanggang bukas pa tayo dito dahil sa sobrang dami talaga sa gitna ng garden ay may makikita kang mini house kung saan parang sinauna vibe siya dahil sa kubo style ito tas pag labas mo ay preskong hangin agad ang malalasap mo parang sinauna sa isang probinsya na talaga naman gustong gusto ng mga tao. “Eli” sigaw nang tawag saakin ni tiya medjo nagulat ako dahil sa biglang sigaw sa aking tabi medjo natulala pala ako “huh?” takang tanong ko “bakit po tiya” tanong ko pa. “kanina pa kita tinatawag at kakain na tayo meryenda mukhang lumipad na ang utak mo sa himpapawid. Tumayo ka na dyan at tayo ay kakain na” sabi naman ng tiya beth “sige po tiya” sagot ko na lamang habang papasok kami sa loob ng bahay ay biglang nagsalita ang tiya beth. “may bisita pala akong pupunta dito bukas kaya mamalengke ka mamaya dahil kasyosyo ko ito sa negosyo” nagulat naman ako dahil ngayon lang nagpapunta ang tiya ng ibang tao dito sa bahay nagkibit balikat na lamang ako. “sige po tita” sabi ko na lamang Pagpasok namin sa kusina nakita ko agad ang niluto ni tiya na turon at banana cue at meron pang orange juice nagutom ako bigla sa amoy kaya sumalo na ako sa hapag kainan kay tiya beth. Wala naman nang sinabi si tiya patungkol sa kanyang bisita kaya hindi na ko nagtanong kahit gusto kong tanungin kung bat siya magpapapunta dito ng bisita dahil ito ang kaunang unahan pa lamang na magpapapunta siya ng bisita dito sa bahay napabuntong hininga na lamang ako at hindi na pinansin pa ang agam agam sa isip ko. Pagtapos kumain ng meryenda ay nagpahinga muna ako para makaalis ako maya maya para mabili ko na ang kakailanganin para sa iluluto bukas para sa bisita ni tiya. Paglipas ng labing limang minuto ay umalis na ako ayos naman ang suot ko Isang short na may habang hanggang tuhod at Isang malaking damit. Naglakad na lamang ako dahil malapit lang naman ang grocery store dito sa subdivision ng bahay ni tiya. Pagtapos ng ilang minutong paglalakad ay nakarating narin ako sa grocery store ay binili ko lang yung kailangan lamang baka kase abutin pa ako ng gabi dito kung mag iikot pa ako. Nang natapos na ako ay umuwi na agad ako para naman makapag pa hinga na dahil malapit nang magdilim baka sa pag uwi ko ay madilim na at gusto ko nang magpahinga dahil talaga naman nakakapagod mamili lalo na palakad lakad ako dahil sa mga bibilhin kong ang layo sa mga iba ko pang bibilhin medjo may kalakihan kasi ang grocery store na ito kaya naman talagang nakakapagod maglakad. Nang makauwi na ay nagpahinga lamang ako at naligo narin pagkatapos dahil antok na antok na ako. Pagtapos maligo ay nagpatuyo lamang ako ng buhok ng natapos ko nang patuyuin Ang aking buhok ay nahiga na ako dahil antok na talaga ako. Dahil sa pagod ay dali dali na ako nakatulog. Nagising ako kinabukasan na nagluluto na si tiya para sa kanyang bisita napaisip naman ako na baka importante talaga ang dadating dahil si tiya talaga mismo ang nagluto. “morning tiya tulungan na po kita” anas ko sa matandang busy na nagluluto para sa kanyang bisita “hindi na iha maglinis ka na lamang sa sala baka padating na iyong bisita ko maabutan pang makalat ang ating sala patapos na rin naman ako dito sa niluluto ko” anas naman ni tiya beth kaya naman tumango na lamang ako at umalis na ako sa kusina para pumunta sa sala nang makapag linis linis na sa totoo niyan hindi naman madumi ang sala may dumi lamang. Kunting walis ko lamang ay natapos na ako sa pag lilinis nang may marinig akong busina ng kotse kaya lumabas ako para buksan ang gate baka yan na ang bisita ni tiya beth. Palabas pa lamang ako ng pinto ng biglang tinawag ako ni tiya beth dahil siya na daw ang magbubukas. Sabi din niya na umakyat na muna ako sa aking kwarto at maglinis ng aking katawan para mukha daw maayos akong tignan tumango na lamang ako sa pahayag ni tiya. Pagkaalis ni tiya sa aking harapan ay umakyat na ako para makapag ayos naman ako baka importante talaga ang bisita ni tiya dahil kailangan ko pang mag ayos sabagay ito ang unang beses na may bisita sa bahay. Naligo muna ako para naman hindi ako amoy pawis baka sabihin ng bisita ni tiya na ang baho ko. Natapos na akong maligo nagwisik lamang ako ng pabango at naglagay ng kunting pulbos at lip tint para hindi naman ako masyadong maputla. Nang matapos na akong mag ayos lumabas na ako. Pababa pa lamang ako ng hagdan may nakita akong lalaki na nakatalikod sa akin na nakaupo sa sala kausap ito ng tiya mukhang mayaman naman ito dahil sa suot nitong tuxedo oo nga pala isa ito sa ka business partner ata ni tiya. Hindi ko na lang sila inabala pa mukhang busy naman sila mag usap kaya dumiretso na ako sa kusina para kumain pero nang malapit na ako sa baba parang may matang nakatingin sakin pero nang iikot ko ang aking mata wala naman nakatingin nag uusap parin ang dalawa. Nagkibit balikat na lamang ako hindi ko na lang pinansin ang parang matang nakasunod sa lahat ng aking gagawin pumunta na ako sa kusina para kumain. Habang nakain ako ay nakarinig ako ng boses. “sino ka?” Tanong ng isang malamig na boses sa akin natakot naman ako kaya nagpayuko Yuko ako bago humarap at sinabing “ ako po si Elisse pamangkin po ako ni tiya Elizabeth” sabi kong medjo nauutal pa sa takot sa lalaking nasa aking harapan ayaw ko mag angat ng ulo nakakatakot ang kanyang boses baka isa itong nakakatakot na tao katulad ng mga napapanood ko sa tv na mga gangster dahil kahit nakayuko ako kita ko ang laki ng katawan nito. Wala na akong narinig na salita dito tuloy tuloy na ito na pumunta sa refrigerator nang mapansin kong nakatalikod ito ay nag angat ako ng ulo tinignan ko ito napaka tangad nito sa tingin ko ay 6'5 ito dahil sa tangkad na aking nakikita nang makita ko paharap na ito ay dali dali akong napayuko at nagkunwaring kumain para hindi niya mahalata na inoobserbahan ko siya. third person pov Hindi alam ng dalaga na kanina pa siya pinagmamasdan ng kanilang bisita sa bawat galaw ng dalaga ay tinitignan ng lalaki. Aliw na aliw naman ang binata sa dalagang nasa hapag kainan ngayon na kanyang pinapanood. Napakaganda talaga ng aking mahal sabi ni binata sa kanyang isipan. Dali dali na ang alis ng binata dahil napansin niya na hindi na comfortable ang dalaga sa kanyang presensya kaya umalis na ang binata. Sa pag alis ng binata nakahinga naman ng maluwag ang dalaga dahil pakiramdam niya para siyang hinuhubaran sa klase ng tingin sa kanya ng binatang kanilang bisita. Natapos na rin si Eli sa pagkain kaya naman nagbabalak siya tumambay muna sa garden para magpahangin. Nang palabas na si Eli ay nagtataka na talaga siya dahil kanina pa niya nararamdam na parang may nagmamasid sa bawat kilos niya pero pag titingin naman siya sa kanyang paligid ay wala naman kahit sinong tao siyang nakikita. Hindi na lamang pinansin ni Eli ang kanyang nasa isipan baka guni-guni lamang niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD