Elisse's Pov
Nang mapansin kong padilim na ay pumasok na ako ang tagal ko na palang nakatambay sa garden. Pagpasok ko sa loob nakasalubong ko naman si tiya beth.
“iha pwede mo ba linisan Yung Isang guest room dito muna matutulog ang aking bisita” anas ng matanda medjo nagulat ako pero tumango rin
“sige po tiya” sabi ko na lang
“yung katabi ng kwarto mo Yung linisan mo” anas pa ng matanda tumango na lamang ako at nag linis na. Hindi naman ako masyadong natagalan sa paglilinis dahil kada linggo nililinis ko ang bawat kwarto kaya naman hindi gaanong madumi dito nilagyan ko lamang ng kumot at unan para hihigaan na lamang ng bisita ni tiya beth.
Nang matapos ay lumabas na ako dahil medjo nagugutom na ako. Nang pababa na ako ay saktong nakasalubong ko ang tiya beth.
“Sakto ang baba mo iha tatawagin na sana kita para kumain na. Tapos ka na ba mag linis?” anas ni tiya ng mapansin na makakasalubong ko siya.
“Opo tiya” sagot ko sa tanong nito kung tapos na ba ako maglinis
“Oh siya tara na kanina pa naghihintay si lord sa hapag kainan ayaw pa naman nun ng pinag aantay” anas ni tiya sa akin medjo nagtaka naman ako kung sino ang sinasabi nitong Lord baka ang lalaking aming bisita dahil siya lang ang naiisip ko lalo na't siya lang ang tanging bisita namin. Ngunit nagkibit balikat na lamang ako tsaka sumunod kay tiya beth dahil gutom na talaga ako. Pagpasok sa hapag kainan ay nakita ko na ang lalaki na aming bisita na nakaupo nakatalikod ito sa akin dahil nakaupo ito malapit sa pintuan ng hapag kainan si tiya naman nakaupo sa unahan kaya napag desisyunan kong sa harapan na lang ng lalaki ako umupo. Nang makaupo na ay nagsimula na akong kumain medjo iniiwasan kong tumingin sa lalaking nasa aking harapan para kasi akong hinu hubaran nito sa kanyang tingin. Medjo binilisan ko ang pagkain dahil hindi ako masyadong comportable sa tingin ng tinatawag ni tiya beth na lord. Nang matapos ay dali dali akong nagpaalam kay tiya na matutulog na ako dahil hindi talaga ako sana'y na may lalaki dito sa bahay. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay hindi ako makatulog kahit anong ikot ko ay hindi talaga ako makatulog. Ikot dito, ikot diyan, tayo dito, tayo diyan, upo dito, upo diyan at kung ano ano pa ang aking ginagawa para lamang makatulog napansin ko na lamang na ala una na pala ng madaling araw nang makita ko ang aking orasan sa may bed side table ko. Naisipan ko bumaba para magtimpla ng gatas patay na lahat ng ilaw kaya naisip ko na baka tulog na ang aking dalawang kasama dito sa bahay kaya naman may pag iingat akong bumaba hindi ko na rin binuksan ang ilaw dahil kita ko pa naman ang aking lalakaran dahil may parang lamp ang ibang sulok ng bahay kaya may kunting ilaw paring para sa mga katulad kong gising parin ng gantong oras. Nang makababa na ay pumunta na ako sa kusina para magtimpla ng gatas pero napansin kong bukas pa ang ilaw sa kusina baka nakalimutan patayin kaya nagkibit balikat na lamang ako at tuloy tuloy na akong pumunta sa kusina pero napahinto ako ng makita ko ang bisita ni tiya na nakaupo at nagkakapi sa lamesa dito sa kusina. Hindi ko na lamang pinansin ito tuloy tuloy na lamang akong pumunta sa kabinet para kunin ang gatas at pumunta na ako sa water dispenser para kumuha ng mainit na tubig nang matapos maglagay ng tubig ay nilagay ko na ang gatas para makainom na ako nang dalawan na ako ng antok dahil kanina ko pa gusto matulog pero hindi talaga ako makatulog.
“What are you doing woman?” nagulat naman ako sa lalaking bigla biglang nagsalita kaya naman bigla ko itong nilingon nagulat ako ng makasalubong ko ang mata nito may pagka blue brown kay sarap pag masdan kasama pa ang nakakunot nitong noo na lalong nagbigay appeal sa kanyang napakagwapong mukha sa aking hula ay nasa 20's na to dahil sa matured nitong mukha alam mo talaga na habulin ito ng babae.
“Are you done checking me?” tila napahiya naman akong yumuko sa lalaking magkasalubong ang kilay at matang kay lamig kung tumingin.
“po” tangang sagot ko naman dahil parang may bumabara sa aking lalamunan ng hindi ako makapag salita ng maayos at po na lamang ang lumabas sa aking bibig.
“Are you deaf?” inis na tanong naman ng binata sa akin.
“sorry po sir ano po ba ang tanong niyo” naintindihan ko naman ang mga salita nitong english dahil nag aaral ako home school lang dahil hindi ako pwede lumabas labas.
“Ang sabi ko anong ginagawa mo at anong oras na't gising kapa?” Tanong naman ulit ng lalaki na tinagalog na sa matigas na boses
“hindi po kasi ako makatulog kaya balak ko po sana uminom ng gatas” sagot ko tumango na lamang ang lalaki sabay tingin ulit sa laptop nito. Napag isipan ko nang tumaas ng mapansing hindi na ulit ako kinausap ng lalaki kaya dali dali na ang akyat ko pag tapos ko mainom at hugasan ang basong aking ginamit.
Nang mahiga ako ay iniisip ko parin ang mukha ng bisita ni tiya beth talaga naman napaka gwapo ng lalaki. Sa malalim na pag iisip ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Nagising ako kinabukasan sa ugong ng sasakyan mukhang aalis na ang bisita ni tiya kaya naman dali dali ang silip ko sa bintana ngunit sa dismaya ko ay nakalabas na ito ng gate at mabilis itong magpaandar kaya naman hindi ko talaga nakita ulit ang mukha ng binata nakakapanghinayang siguro kagabi na ang una at huli naming pagkikita ng binata kaya winaksi ko ang masyadong pag iisip dito baka isa lamang itong paghanga dahil sa ka gwapuhang taglay ng binata.