Chapter 3
The Sleep Over
Sobra sobra ang takot ko at parang hindi ako makahinga. Pumikit ako at nag dasal na lang.
Hindi nya parin ako binitawan at bumilong sa tenga ko. Ang lamig ng labi nya.
(Nyay!!! Multo ata to!!)
“Mmmmh!!!!”
“ It’s me baby. Huwag ka maingay baka marinig ka nila tita.” Bulong nya.
“Packing tape!!! JI naman gusto mo ba akong patayin sa takot?” Galit na sabi ko.
Nakaramdam ako ng paninikip ng pag hinga. Inaatake ako ng asthma ko dahil siguro sa sobrang kaba ng dibdib ko.
“I’m sorry baby. Where is your inhailer?” hinanap nya ito at iniabot sa akin.
“I’m really sorry love, hindi na mauulit. Promise.”
“Ano ka ba naman kasi JI. Bat ka naman kasi nang gugulat at nananakot? Huhuhu!” paiyak na sabi ko.
“I’m really sorry. Pinayagan kami umuwi kaya dito ako tumuloy. Dito nalang ako matutulog. Ayaw ko na gisingin sila.” Sabi nya.
“Okey ka lang? Paano kung bago pa tayo magising ay pumasok dito si mama para gisingin ako? Baby yari tayo dun. Pakakasalan mo ako ng wala sa oras.” Sabi ko dito pero parang wala syang narinig.
“Gwaenchanh-a. Handa naman ako pakasalan ka anytime. Hahaha…” confident at masayang sabi nito.
(Loko na to. Kala ba nya ganun lang yon kadali?)
“Baby, pag nag asawa ka, hindi kana makakapag debut as an idol. Is that okey?” taning ko sa kanya.
“Gwaenchanh-ayo… Basta ikaw papakasalan ko, kahit hindi nako maging idol.
Ikaw kaya number 1 dream ko. Kayang kaya ko ipag palit lahat para sayo.” Sabi nito sabay hila sa akin pa upo sa kama ko.
“ I’m not kidding John Inigo Kim. And I can’t afford na mawawala lahat ng pinaghirapan mo dahil lang sa akin.” galit na sabi ko.
“ I’m not kidding too baby. You are the most important dream of mine. At mas marami na akong hirap maalagaan ka lang. Kaya hindi ako papayag na hindi ka sa akin ikakasal. Okey? Sige na matulog na tayo kasi pagod na rin ako baby. Medyo amoy pawis ako, pwede mo ba akong pahiramin ng damit? Mag shower lang ako sandali.” request pa nito.
At ang lakas talaga ng loob nya mag shower sa banyo ko.
“Fine, sige mag shower kana at ihanap kita ng oversize shirt ko at panjama.”
“Thank you baby, you’re the best!” sabi nya sabay halik sa pisngi ko.
Pumasok na sya sa CR ko at hinagis sa kama ang hinubad nyang pang itaas.
Ang sarap sa pakiramdam na parang ang natural lang ng ganto para sa aming dalawa.
Lumabas sya banyo na gamit lang ang towel ko. Medyo maliit ito para sa kanya.
Napatingin ako sa katawan nya mula ulo hangang …
(OMG… Yung towel ko! Nakabalot sa ano nya!!!)
“Baby, laway mo oh…hahaha…” pang aasar nya sakin.
Pinunasan ko naman ang bibig ko na parang uto uto. Ng marealize ko na wala naman tumutulo. Bwisit na to!
“Asar ka talaga. Heto na nga mag bihis kana.” Sabay talikod ko.
Naramdaman kong papalapit sya sa likod ko kaya napapikit nalang ako sa sobrang kaba ko.
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko at bumulong sa akin.
“Inaantok ka na ba baby? Matutulog na ba tayo?” Tanong nito na parang nang aasar at natatawa pa.
“Inigo ah, mag bihis ka na at baka masapak kita dyan.” Medyo lumakas ang boses ko sa sobrang kaba ko.
Tok! Tok! “ Kaye, anak matulog kana. Sino bang kausap mo dyan?” sabi ni mama na nasa labas ng pintuan ng kwarto ko.
Napaharap ako kay JI at nagulat din sya. Biglang nalaglag ang tapis na suot nya at bago pa ako maka sigaw ay tinakpan na nya ang bibig ko.
Mabilis siyang nakapag tago sa banyo bago pa man mabuksan ni mama ang pinto.
“Okey ka lang anak? Namumutla ka. Masama ba ang pakiramdam mo?” tanong ni mama.
“O-okey lang ako ma. Inaantok lang ako. Sumobra ako sa pag review eh. Sige na po matulog na rin kayo. Goodnight ma. Love you!” at tinulak ko na si mama palabas ng pinto.
Ni lock kona rin ito para sure na hindi basta makapasok.
“ Muntik na yon baby, hehehe..” sabi ni JI pag labas ng pinto.
Tinignan ko sya ng masama pero parang mas lalo pa syang natuwa.
“Ang ganda talaga ng baby ko kahit galit. Hehehe… Nakabihis na ako. Huwag kana magalit. Tara na, higa na tayo.”
Sinunod ko lang sya at nahiga na kami sa kama ko. Sobrang drain na ako sa mga gulat na nangyari sa gabing ito.
“Baby, I want to sleep with you everynight.” Malambing na sabi ni JI habang naka unan ako sa kanang braso nya at naka yakap sya sa akin.
“Hoy, sleep with you ka dyan. Hindi pa pwede, nag- aaral pa ako.” sabi ko sa kanya.
“Hehehe… what I mean is sleep as in matulog. Like this, ang sarap sa pakiramdam na yakap kita sa pag tulog ko.
And about sa suggestion mo, pwede naman. Sabihin mo lang sakin pag pwede na. I will gladly take you.” Bulong nya sa tenga ko sabay halik dito.
“Pag pareho na tayong ready. I’m glad to give you everything.” Sagot ko sa kanya habang mapang akit na hinihimas ang abs nya pababa. Pero hindi ko tinuloy ha! Joke lang yun.
“Sh*t! Matulog na tayo baby baka di ko mapigilan ang sarili ko.” Sabinya sabay sign of the cross nya.
Natawa naman ako at hindi na ginatungan pa ang nararamdaman nya.
“Good night baby girl. I love you.!" sabi nya at hinalikan ako ng marahan sa labi.
“Good night baby. I love you much!”
.
.
.
“Kaye,anak gising na. Okey ka lang ba? Papa kunin mo nga yung susi. Kagabi namumutla yung anak mo baka may sakit sya.” Sabi ni mama na parang natatakot.
Narinig kong bumukas ang pinto at ang naalala kong sa tabi ko natulog si JI.
“Mama!” gulat na sabi ko ng buksan nila ni papa ang pinto ng kwarto ko.
.
.
.