37. Itigil

1217 Words
Nanlamig ang kamay ko sa sinabi nito. Saglit huminto ang t***k ng puso habang pino-proseso ang sinabi niya. "Perfect?" Mahinang ulit ko sa sinabi niya. He chuckled. "Yes baby, perfect!" Tulala ako. That is labor relation... How can he possibly ace a test that he cannot relate? I mean—isang test na hindi naman niya napag-aralan buong taon? I swear, if he is pranking me right now, sasakalin ko siya ng mahigpit sa leeg ngayon for making me feel in horror! "Totoo ba? Javier, you are not pranking me right now, hindi ba?" Paninigurado ko sa lalaki. Natatawa siyang tumango. "Hala, oo nga! Bakit?" I always ace the test with full of patience. Pinaghihirapan ko ng ilang buwan! So how can he ace is just like that? Natatawa itong inakbayan ako. "Sabi ko sayo, ang galing mo magturo eh..." Aniya sabay kindat. Oh my god! He is really serious about it! Akala ko ay nagbibiro lang siya! "Seryoso? Na-perfect mo? Talaga?" "Yes, babe..." Mayabang itong tumango. "Are you not proud?" Pakiramdam ko ay tutulo na ang luha sa mata ko dahil sa saya. Those sleepless and pain in the ass night are all worth it! Dinamba ko ng yakap ang lalaki ng mahigpit. "Oh my god! I am so proud of you! Thank you so much, Javier!" Bulong ko dito dahil sa saya. He manage to ace the exam! Naramdaman kong natigilan si Javier, but I couldn't careless! Ang mahalaga ay... na perfect niya! That is beyond from what I had expected! Naramdaman ko ang yakap ni Javier pabalik. "Woah... No need to thank me so much... Walang problema," aniya at naglabas ng mahinang tawa. Hindi ako makapaniwala na he will exceed my expectations. I mean, its overwhelming! "Sana all hug," sabi ng isa. Danil sa sinabi ng kaklase ko ay mabilis akong nagising sa pagyakap kay Javier. Bahagya akong lumayo at napansin ko ang mga tao na nakatitig samin. Mukhang kinikilig ang ito. Nagtutulakan pa sila. Binasa ko ang labi dahil sa hiya... Tsk. Me and my impulsive movements. "Okay lang 'yan hubby," si Javier. Mukhang napansin niya ata na nahiya ako. "Ayos lang... Wag ka na mahiya. Tapos na!" Iling nito sakin. Inirapan ko siya. Talagang dadagdagan niya pa ang kahihiyan na nararamdaman ko. Hmpf! "Bakit ka pala nandito?" Tanong niya. "Let's talk elsewhere. Maraming tao dito..." pag-aya ko sakanya. Nang-aasar ito na tumingin sakin. "Sus... Kunyare ka pa, nahihiya ka lang naman. Pwede naman kitang bigyan ng unli hug kahit nandito tayong dalawa sa gitna..." Natigilan ako sa sinabi nito at pinamulahan ng mukha. Nakakainis talaga ang lalaking 'to! "Heh!" "Pwede bang skip mo muna ang galit mo?" Javier asked me then made a beautiful eyes. "Look, I ace the exam. Hindi ka ba proud?" I am happy and proud of him, of course! Who would have thought that a guy like him can handle my exam that well? "We should celebrate!" Aniya. "Ilibre mo ako!" Napatango ako sa sinabi niya. "Of course we should celebrate! Where do you want to eat? Resto? Buffet?" Natigilan si Javier sa ngiti niya. "Why buffet? Ano ako, high school?" Nagtaka ako sa sinabi niya. "Eh saan ba?" "We should drink!" Natatawang sabi niya. Napaamang ang labi ko sa sinabi nito. Drink!? Na ganito ang sitwasyon namin?! "That cannot be possible, Javier. Alam mo naman na—" "Na? Ano? Tsk!" Iling nito. "Come on! Payagan mo na ako! Kasama naman kita eh?!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Kasama ako?" "Natural! This is our win! Bakit hindi ka sasama?" He shook his head in disbelief. "Silly you... Ano? Mamaya?" Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa gusto ni Javier. Pumunta kami ni Javier sa baba. Kinuha niya ang bag tapos ay sabay kaming lumabas ng building. "Wala na kayong klase?" "Wala kayong prof," I told him. He nod his head. "Wala talaga. Kayo rin, walang prof." Napahinto ako. May naisip na ideya. "It's friday right now, right?" Paninigurado ko. His smile slowly faded away. "Yes... why—" "Then... Let's go there!" "What?! Ngayon?!" Hinawakan ko ang kamay niya at determinadong tinignan. "Weekends bukas, Javier. Tara na. Mas maraming oras, mas maganda!" I told him. Walang nagawa si Javier noong hinila ko siya paabante. Walang palag ito na sumunod habang ako naman ay excited. "Naka-uniform lang tayo? Magco-commute ba?" Inis na tanong niya. "Magta-taxi na lang tayo para hindi ka ma-reklamo!" Halatang ayaw niya sa biglaang plano ko. "Kakatapos ko lang makipagsagupaan sa test mo... tapos iba-biyahe mo ako?" Sinamaan ko siya ng tingin. "Wag mo akong sinusumbatan ha. Tusukin ko yang mata mo!" Banta ko dito. He sighed in disbelief, and obviously, ako naman ang nanalo sa usapin naming dalawa. Kahit naka-taxi kami ni Javier, para itong tanga na nakayakap sakin sa taxi. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ko habang bumubulong. "Ang baho—" Tinakpan ko ang bibig niya at sinita. Nasa gitna kami ng daan at ayokong ma-kick out sa sasakyan dahil sa pinagsasasabi niya. "Ayos lang ba ang girlfriend niyo ser?" "Ayos lang po," I awkwardly laugh then. Pinanlakihan ko siya ng mata para magtigil siya kakangawa. "Aba'y kung hindi pala kaya ng girlfriend niyo ser sana ay nagsasakyan na lang kayo. Tutal naman mukha ata kayong mayaman, ser..." Kahit magalang ay ramdam ko ang anghang sa sinabi nito. Napangiwi ako sa sinabi nito, pero tumawa na rin to break the silence. "Naku kuya... hindi po kami mayaman..." Pinandilatan ko ng mata si Javier. Hala sige, umarte ka pa at bibigwasan talaga kita! Nakatulog si Javier buong biyahe na nakasandal sakin. Buti nga at hindi nagsuka at mabilis lang ang biyahe namin dahil hapon nga. "Nandito na naman tayo..." He stretched out noong lumabas siya ng taxi. "Sana hindi na maulit! Ang baho!" "Kung wala tayong plano, talagang uulit-ulitin natin 'to. So better do it properly. Okay?" Tinignan niya ako ng masama. "Anong pinagsasasabi mo? Wala nga tayong plano!" "Then think of something!" I hissed. "Alam mo, magtanong na lang tayo sa mga tao dito—" "Kumain muna tayo," he announced. "Gutom na ako kaya kain muna tayo." Napairap ako.... really? I was busy eating my merienda but Javier is obviously ogling to those waitress! "Can you stop!?" Gigil na suway ko sakanya. Nawala ang ngisi niya sa labi. "Stop what?" "Halos mabali ang leeg mo kakatingin sa mga babae ha! Pwedeng itigil mo?!" Sumimangot ito. "Eh ano naman—" Napahinto si Javier, tapos maya-maya ay nawala ang lukot sa mukha niya at napangisi. "Nagseselos ka ba?" Natatawang tanong niya. Nagsalubong ang kilay ko sa akusa nito. Nagseselos? "Yuck? Saan galing yan girl?" Depensa ko sa sarili. "I just want to tell you na wag mo baliin ang leeg kakalingon sa babae kasi I want a boy!" Gigil na sabi ko sakanya. He is just staring at me with amusement. "Isa pa, itigil mo nga ang kakalapit sa mga babae kong kaklase? Tuwing pumupunta ako, akbay na akbay ka!" Sita ko pa sa napansin. He is really enjoying our situation kasi nakakamanyak siya huh? "What? Hindi ko alam ang sinasabi mo... But if that's what you want, babe," aniya sabay ngiti. "Ayoko pa namang nagseselos ang hubby ko." Aniya ng puno ng lambing. Tumawa siya. Habang siya ay nagbibiro, ako naman 'tong hindi mapakali sa sinabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD