Pagkadating naming dalawa sa bahay ay nagtataka niya akong tinignan.
"Bakit mo ba ako dito? Iba talaga ang iisipin satin ni Papa." Aniya. "Teka, kumusta na pala si Pochie?"
Honestly, I couldn't careless about what other people is going to think about us. Ang dami ko pang pwede isipin tungkol sa sitwasyon namin—at ngayon, huli na ang bagay na 'yon.
Binuksan ko ang pintuan at kinuha ang susi papasok.
Isa pa, sino si Pochi
"Who is pochie?" I asked him noong makapasok.
Sakto naman na narinig ko ang makulit na asong tumatahol. Lagi na lang iyon tumatahol sa tuwing dumadating ako.
"That dog! That's pochie! Ano, you're not petting her?"
Napaamang ang labi ko. Iyong aso na naging dahilan kung bakit ako nagkasugat? Tinulak pa nga ako ng hayop na 'to para sa aso!
"Why would I pet her? Mukha bang gusto ko ang aso na 'yon" takang tanong ko sakanya. "God, I hate dogs. Isa pa, ayaw din sakin ng aso na 'yon—"
"Tara sa garden!" Hinila nito ang kamay ko papunta sa bakuna ng garden.
"Javier! Excuse me! Dinala kita dito para pag-usapan natin ang science fair at hindi ang tungkol sa aso mo!?"
"Hey! I missed her! Kung ayaw mo sakanya, ako gusto ko!" Bungisngis nito. "Pochie!" Matinis na tawag nito.
The poor dog is caged. Looking wild.
"Puta, bakit nakakulong ang bata na 'yan?!" Galit na tanong niya.
"Bata? Sinong bata?"
"My dog!" Parang iiyak na ito sa asar noong makita ang aso niya. "Oh god... Hindi dapat kinukulong ang aso!" He said dramatically.
Nagkibit balikat na lang ako.
"Hindi ako nakilala niyan," bahagi ko sakanya. "That's the only thing that recognize me," hindi ko mapigilang mapangiti kasi kahit papaano ay may nakakakilala sa'min ni Javier.
The dog is obviously happy. It's wiggling its tail and whimpering. Halatang nakilala nga si Javier.
Nilingon ko ang lalaki na nakayuko, yakap ang tuhod niya and staring dearly to his dog who he missed so much, obviously.
"Pochie, I missed you!" Sigaw nito sa pinakamatinis na boses.
Napalingon ako kay Javier dahil sa tinis ng boses nito. Grabe, I never heard myself in a squeal just like that!
Napahawak ito sa lalamunan. Pareho naming nilingon ang isa't-isa.
"Itigil mo nga ang kakasigaw ng ganon..."
He fake a cough. Tapos maya-maya ay napailing.
"Ganito talaga ako kay Pochie. Can't you see how happy she is when I called her name?" Tanong niya.
Tumaas ang kilay nito sa dahilan niya. Habang siya naman ay tuloy pa din ang titig sa aso.
Ipinasok na niya ang kamay sa kulungan then he started to pet the dog.
"Grabe, may itataas pa talaga ang boses mo, ano?" He laughed then.
"Tigilan mo nga! Nakakahiya iyong boses, grabe!" Iling ko dito. "Huwag mo nga uulitin, napakapapapansin mo ano?"
"Napakabanasin mo ano?" Balik niya sakin.
Lalaban pa sana ako kaya lang ay tumayo siya para pumunta sa isang bintana.
"Hey, tara na sa taas—"
Itinaas nito ang paso, at doon nakuha ang isang susi.
Humarap ito sakin ng may malaking ngisi.
Oh no...
"Anong binabalak mo?" Tanong ko sakanya.
"I thought you hate what is obvious? Ano pa ba? Dadalhin ko si Pochie sa taas and tell me what is your problem!" He said with full of smiles sabay bukas noong gate!
The dog literally jump on his face—my face at dinila-dilaan! Oh my god! Hindi ba ako magkaka-pimples niyan?!
"Javier, ayusin mo naman! Iyong mukha ko!"
"I miss you too, baby! I miss you bebi!" Mahabang aniya at niyakap ang aso.
"Javier! Ang uniform! Nasa lupa!" Iritadong sigaw ko dito. "Javier naman eh!"
He was really having fun, habang ako naman ay sumasama na ang loob. Ilang minuto pa ang lumipas bago ako nito nilingon, nakangiti pa
"Come on. Ngayon lang ulit kami nagkita!"
Hindi ako nagsalita at tinignan siya ng napakasama. Wala akong pakialam kung ngayon lang sila nagkita! It's stressing me to see na nakasubsob ang uniform ko at dinidilaan ang aking mukha noong aso!
Noong hindi ako sumagot, at siguro nakaramdam siya na wala akong balak na palusutin siya—sumimangot na ito.
"Para kang nanay eno?" Tumayo siya at binitbit ang aso na hanggang ngayon ay hindi mapakali sa tuwa. "Ang kill joy mo..."
"Tigilan mo nga! Siguraduhin mo na hindi ako dadambahin ng aso na 'yan ha."
"Hindi 'yan—"
"Celestial... Nandito ka pala."
Uh-oh.
"Kuy—Jameson!" Bati ni Javier.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Javier. He looks worried, habang ako naman ay nakasimangot lang.
Pag ako talaga sinuntok nito, baka lumagatok sakanya ang sampal.
"Halika na, Celestial," tawag ko kay Javier at hinila ang kamay niya. Tutulala pa eh!
Jameson is looks bitter. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kamay namin.
"Celestial, can we talk?"
"Para saan?" Sagot ko.
Masama akong nilingon nito. "Ikaw ba si Celestial?"
I snorted. Oh my god, Jameson! Kung alam mo lang kung sino ako!
"Oo—"
Sinipa ni Javier ang paa ko! Napangiwi ako sa ginawa niya. Ang sakit noon ha!
"Bakit? Nagmamadali kasi kami ni Celestial. May kailangan kami ayusin." Sagot ni Javier, mahinahon.
Wow. Ang hinahon niya sa Kuya ha! Sus, parang hindi siya bwisit ha!
Plastik naman nito! Ako nga hindi ko na talaga gusto ang ugali ni Jameson! Maybe I should tell Javier that... Na wag na i-entertain ang pagmamakaawa ni Jameson so he won't have a false hope!
"Can't we just talk? Iyong tayo lang? Hindi mo rin ako pinapansin sa school. You are making me feel bad."
Napairap ako. Feel bad? Bakit? Ano bang meron sa'min? Wala naman! Nakakaloka ang lalaking 'to!
Hinawakan ko ang kamay ni Javier. Iyong mahigpit. Para sana malaman niya na ayaw ko makipag-usap.
"I think she doesn't want to talk," sabi ko.
"Bakit ba ikaw ang sumasagot sakanya?" Inis na tanong ni Jameson at tinignan na ako na puno ng galit. "Could you please let her decide? Stop controlling her!"
I sighed. Eh sa ayoko naman talaga makipag-usap sakanya!
"Javier," tawag sakin ng katabi ko. Pinapaawat na ako. "Dito mo na lang ako kausapin sa harap ng kapatid mo. What do you want to talk about?"
Sa wakas at nagsalita rin ng tama si Javier!
Hindi makapaniwalang nakatingin sa'min ang lalaki habang umiiling.
"Are you both serious? I am asking for privacy!"
"She is my girlfriend!" Inis na deklara ko dito para tumigil na siya sa kahibangan.
Nagtiim ang bagang ni Jameson. Mas lalong sumama ang tingin sa kamay naming dalawa.
"Okay. If that's what you both want. Dito ko na lang kayo kakausapin." He sighed. "So brother, why did you steal my girl? Isa pa, Faith. We are dating. Ayaw mo sa kapatid ko, tapos ngayon siya ang pinatos mo? Sa dami ng lalaki, magkapatid pa talaga?" Inis na aniya.
Wow! How dare him accuse me that?
Nagkatinginan kami ni Javier. This man is asking what he wanted. Sana ay walang iyakan, Jameson. Sanay na sanay kaming makipagsagutan ni Javier, tapos kami pa ang hinamon niya?
The dog started to bark violently. Mukhang makikisama din ang aso!
"Hindi naman naging kayo," simula ko. "Isa pa, you just dated a two or few! But not to the extent that it's deep! Wala namang mas malalim pa!"
Halatang nagulat si Jameson sa sinabi ko. Si Javier naman ay tumatango-tango na lang sa gilid ko. Mukhang kinakabahan.
"Isa p—"
Hinawakan ni Javier ang kamay ko ng mahigpit. Napatigil tuloy ako at tinignan ang lalaki.
Lumapit siya sakin at bumulong.
"Gago ka, stop roasting my brother babe. May sakit 'yan, medyo sensitive."
"Edi umalis na tayo dito! Akyat na tayo sa kwarto!" Bulong ko pabalik. "I cannot bare not to answer back! He is making me look like a w***e!"
Napakagat ng labi si Javier at tumango-tango. "Okay, okay. We should go up."
Pareho kaming tuwid na tumayo at hinarap si Jameson na namumula ang mukha sa galit.
Hay. Buti na lang at pinigilan ako ni Javier na magsalita! Nakakabanas naman kasi ang pinagsasabi ng lalaking 'to!
"Aakyat na kami. I will help her in his science project," pagtatapos ko ng usapan. "Itigil mo ang kakapilit kay Celestial. That is not... gentle."
Tango lang ang ambag ni Javier. Pareho naming nilagpasan ang kawawang si Jameson!
Hay, sa wakas!
Nang makapasok sa mansyon ay napailing ako.
"Pwede ba? Wag mo na lapitan si Jameson sa susunod," dikta ko dito. "He is using his condition for advantage. Akala ko pa naman ay barumbado ka lang. Uto-uto din pala..."
"Tsk... Pero sa susunod, iwasan na lang sana natin si Jameson. Wag na tayo magpakita."
"I agree. Sana talaga iyon na ang huli! Hello! He is making me feel so bad kaya!"
Nakapasok na kami sa kwarto. I sighed and throw myself on his bed. Grabe, ang sarap ng kama sa nakakapagod na araw!
"Hi chichi!" I head him started to play his dog. "Hello! Hello! I miss you din!"
Napamulat ako ng mata. Kung hindi lang dahil sa soccer ay malamang maginhawa ang buhay ko!
"We should try to escape this weekend, Javier. Let's try to find that old woman..."
"Sus, puro ka naman ganyan, tapos pagdating ng weekend, wala rin!" Asar niya pa sa'kin.
I shook my head. "Final na 'to. We should exert an effort finding for that old woman... Hindi mo naman mage-gets ang project ko just like how I cannot get your soccer," sabi ko sakanya.
Tumaas ang kilay nito. "How can you say that to me? Ikaw lang ang hindi nakakakuha ng soccer dito! Ibahin mo ako sa'yo!" Iling niya pa sakin.
Talaga lang huh?
Kinuha ko ang isang portfolio sa bag at ipinakita ko sakanya. "This is my presentation for my AI. Artificial Intelligence. This is a lamp-siri-alexa. Ganon," simula ko sakanya.
He nod his head in amusement. Nakasalampak ito na nakadapa sa carpet floor habang nakatingin sakin.
"You're such a smart ass huh?"
"Of course! I am smart! Ikaw lang naman ang medyo may hangin sa'tin!" Sabi ko dito.
"Are you picking a fight again? Come on! Akala ko ay bati na tayo?"
Sinimangutan ko siya. Parang bata! Anong bati? Tsk!
"Shut up and just listen to me. Para kung sakali na hindi pa rin tayo nakakabalik sa katawan ng isa't-isa by January, at least may alam ka na. Magaling ka rin naman sa math so the formula is just easy on you."
"Hoy! Anong formula!?" Nanlaki ang mata nito at tumayo. "Ano ba kasing pagpapasikat ang ginagawa mo at talagang may formula 'yan!?" Aniya at tumabi sa kama.
I sighed. "Representative ako ng school. Anong pinagsasasabi mong pasikat? Matagal ko ng ginagawa 'to no! And I am bringing honor to the school! You should at least thank me for that..." Bulong ko sa lalaki.
Napairap ito. "Grabe, dinaig pa natin ang mag-asawa for sharing the burden and responsibilities of each other!" Natatawang sabi niya.
Sinimangutan ko siya at sinaksak ko sakanya ang portfolio. "Oo, daig pa natin ang mag-asawa sa pinaggagagawa nating dalawa. Alam mo na nga 'ata ang problema ko sa buhay."
He chuckled. "Your life seems normal to me. Mukhang hindi ka naman problemado. Maybe you're making things more complicated than it is."
Nilingon ko ito dahil sa sinabi niya. He is busy reading my portfolio pero tagos ang sinabi nito sakin.
"Is it bad that I make things uncomfortable?"
Umiling ang lalaki. "No. That's how what you feel... It's okay to feel that way. Kung ganyan ka mag-isip, then let it be."
Natuwa naman ako sa sinabi nito, natatawa na rin.
"Why?" Tanong ni Javier noong tumawa ako.
"Wala lang. You are really... advising just to let it be. Kung ano ang gusto ko, ganon na lang. Kung anong nararamdaman ko, it's okay. I thought you will dictate what should I do, or something like that."
Umiling siya. "I am not going to give you an advise kung hindi kumpleto ang storya na alam ko, Celestial... I am not good in words too. But one thing I have learned in life is... Wag lang tanggap ng tanggap ng sakit. Wag itago ang sakit at hayaan mamanhid ang sarili... You should you know? Never bottle up emotions... Wag mong hintayin na sumabog ka. Let it go one by one with restrictions. Let yourself feel, but never hurt someone because of your feelings... Iyon lang ang kaya kong ipayo."
Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan na si Javier ang taong magsasabi sa'kin noon.
"Parang alak lang... with restrictions," biro ko dito at tumawa.
Javier also laughed. Nilingon na ako nito.
Nginisian ko siya. "Siguro kung wala pa akong aasawahin in future, pwede bang ikaw na lang?" I asked him, hindi manlang nag-isip.