Matapos naming pagtagumpayan ang lahat ng suliranin at pinagdaanan ay isang salo salo ang ginanap sa mansyon ng mga Montemayor. Masaya kaming kumakain habang nag uusap usap at nagtatawanan ng magsalita si Mommy. "By the way? Paano nyo pala nakilala si Natalia, Gabriel at Brando?" tanong ni Mommy. Nasamid naman ako sa bagay na itinanong ni Mommy. Nagkatinginan naman si Gabriel at Brando. "Naku Mom, It's a long story po," ako na ang sumagot sa tanong ni Mommy sabay sipa sa mga paa nina Brando at Gabriel para segundahan ako. "Ang totoo kasi nyan Tita Olga." si Brando. Slowmotion naman na napatingin ako kay Brando saka tiningnan ng nakamamatay na tingin para pigilan ito sa maaari nitong sabihin. "Ano yun Hijo? May gusto ka bang sabihin?" ulit ni Mommy. "Ahh ano po Tita, masyado lang p

