Nang magising si Natalia ay hindi na nya naabutan si Anthony, nakatulugan na pala nya ang pakikipagkwentuhan dito kagabi. Hindi man lang nya nakuha ang numero ng cellphone nito o kahit na address man lang kung san ito tumutuloy sa ngayon. Tutulog tulog ka kasi! "Hays di bale, alam ko naman na babalik at babalik pa yun sa club. Baka mamaya o kaya naman ay bukas nandun na ulit iyon." Kausap nya sa sarli nya sabay nagkibit balikat nalang. Gaya ng palagi nyang ginagawa pag nasa condo nya sya ay hindi na sya nagluluto dahil umoorder nalang sya ng pagkain. Nung nakaraan kasi na nagluto sya ay nasayang lang ang natira left over na pagkain dahil wala naman uubos dahil mag isa lang sya. Namimiss nya tuloy ang Yaya Rose nya. "Asan ka na ba Yaya?" tanong nya sa isipan nya. Isa rin ito sa ipinagt

