"Sya ba si Natalia?" tanong pa ulit ng Daddy nya "s**t! Ito na nga ba ang sinasabi ko!" pagpupuyos nya sa isipan nya. "I-I can explain Dad." tila aburidong sabi nya. "Relax anak, You don't need to explain it to me." nakakaintinding sabi ng Daddy nya na ikinapanatag ng loob nya. "Alam na ba nya? Bakit sya nagtatrabaho dito sa club?" takang tanong ng Daddy nya sa kanya. Maging sya ay hindi nya din alam ang dahilan kung bakit nagtatrabaho si Natalia dito sa mismong club nya. Nung makita nya itong nag aapply sa kanya kasama ang Yaya nito ay nagtaka na kaagad sya. Bibago pa nito ang apelyido nya. I think for some reasons dahil wala pa naman talagang nakakakilala sa kanya. Pumayag narin sya para kahit papano ay mabantayan nya ito. Sinusundan nya ito kahit saan ito pumupunta. Minsan pumup

