Paggising ko ay hindi ko maigalaw ang kamay at paa ko dahil nakatali ito. Kulay pula ang paligid at parang hitsura sa impyerno na napapanuod ko sa mga movies. Napansin kong wala din akong saplot at nakabalot lang ang buong katawan ko ng isang puting tela hanggang sa dibdib ko. "Pakawalan nyo ako dito!" sigaw ko kahit na pakiramdam ko ay namamalat na ang lalamunan ko dahil sa tindi ng pagkauhaw ko. Ramdam ko din ang sakit dulot ng pagkabaril sa akin ni Brando sa kaliwang balikat ko. Napapangiwi ako sa tuwing iginagalaw ko iyon. Inilibot ko ang aking paningin pero wala akong makitang kahit na sinong tao sa loob maliban lang sa isang lalake na nakagapos ang mga kamay habang nakalaylay ang ulo nito. Mukha itong walang malay dahil sa hitsura nito. Hanggang sa may marinig akong ingay na par

