Matapos namin sumakay sa parasailing ay sumakay din kami ng banana boat at nag island tour. Sinulit namin ang buong araw na magkasama kami. Nakakapagod man ay halos hindi ko yun maramdaman dahil mas nangingibabaw ang ligayang nararamdaman ko dahil kasama ko siya. Nagdinner muna kami sa isa sa restaurant bago bumalik sa room namin. Matapos ko maligo at magbihis, pumunta ako sa balcony nang makita kong nandoon si Ninong at nagyoyosi. Parang may malalim siyang iniisip habang nakatingin sa dagat. Tumabi ako sa kanya paglapit ko at dinikit ang katawan sa kanya para yakapin niya ko. Pinatay niya muna ang yosi niya sa ashtray tsaka ako hinapit sa bewang. Humilig naman ako sa balikat niya. "Tomorrow, we're going back to Manila!" Sambit ko. "Yeah.." "Dito na lang kaya tayo tumira. Atleast d

