Pagdating namin sa resthouse nina Ninong, nandoon na ang dalawa kong Uncle at pamilya nila. Nagsi-swimming na agad sa swimming pool ang mga pinsan ko. Pansin kong mas malaki ang resthouse na 'yun kumpara sa dating resthouse na pinuntahan namin. "Mahal namiss ko tuloy ang mga bata!" Narinig kong sabi ni Mom kay Dad habang nakatingin sa mga pinsan kong nagsi-swimming. "I miss them too. Pagbalik naman natin dito kasama na natin sila." Niyakap ni Dad si Mom. "Nandito naman ako Mom, parang gusto ko tuloy magselos sa mga kapatid ko." Kunyaring pagtatampo ko. Niyakap naman nila ako. Hinagilap ng paningin ko si Ninong, wala siya sa paligid. Katabi lang ng resort ang bahay ng magulang niya, siguro ay umuwi na muna siya. Ilang minuto nang may mapansin akong kotse na paparating. Nakilala kong

