"What happened?" Tanong ni Ninong pag upo ko sa tabi niya. "Kasi yung..." Natigilan ako nang mapatingin sa mga nasa harap. Hindi ko na tinuloy pa ang pagsasalita at naisip kong sa pag uwi na lang sabihin kay Ninong ang nakita ko sa parking lot. "Hindi pa ba tayo uuwi?" Mahina kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa relo at nagpalingon lingon sa paligid. Mukhang si Lorraine ang hinahanap niya. "Gusto mo na ba umuwi?" Tanong niya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ng pantalon niya at pinunasan yung pawis ko sa noo. Sobra akong pinagpawisan sa nakita ko sa parking at tumakbo pa 'ko. "Oo eh! Parang sumama kasi pakiramdam ko!" Dahilan ko sa kanya. Napatingin ako kay Lorraine nang pumasok siya sa pinto. Hindi na niya kasama ang lalake. Umalis na siguro. Pansin kong kalmado ang itsura niya na par

