Sumakay na si Kalix sa kotse niya at umalis. Bumalik naman ako sa loob ng bahay. Nakatitig sa akin si Ninong nang makita niya ko. Diretso naman akong umakyat sa hagdan para pumasok sa kwarto ko. Alam kong kakausapin niya ko pero gusto ko pang mapag isipan ang lahat. Humiga ako sa kama at inabala ang sarili sa faceboók. Ilang minuto nang mag message si Ninong. Love: My love, please come down. Let's talk! Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita nakakausap. Imbes na maawa, nainis lang ako na tatakutin pa niya 'kong hindi aalis sa bahay namin. Hindi naman niya yun magagawa dahil magtataka si Dad kung bakit hindi pa siya umaalis. Hindi ko na lang siya pinansin pa. Kahit anong gawin ko hindi ko pa talaga kayang harapin siya. Ilang minuto pa ang lumipas nang makarinig ako ng sunud sunod na

