"Ha? Natutulog ka sa kanila?" Nabiglang sabi ni Mom at napatingin sa akin, saglit din tumingin si Dad sa'kin tapos ay bumaling na kay Ninong na katabi niya. Bigla akong naghagilap sa isip ko ng idadahilan ko. Hindi nila pwedeng malaman na natutulog ako kina Ninong. Kung kanina nakalusot kami, ngayon feeling ko hindi na, hindi nila pwedeng malaman ang relasyon namin. Siguradong isasama nila ako pabalik sa U.S kung malalaman nilang may relasyon kaming dalawa ni Ninong. "Kasi Mom..." Natigilan ako nang magsalita rin si Ninong. "Ah Bro, Hana... Ah.. Actually me... and... Yana..!" Tumingin sa akin si Ninong. Plano ba niyang sabihin ang tungkol sa amin. Hindi niya pwedeng sabihin 'yun, nasisiraan na ba siya?! Pinandilatan ko siya ng mga mata. Bumaling naman siya ng tingin kay Dad tapos kay Mo

