Sinama ako ni Mom sa bar na pagmamay ari ni Tito Axel na bandmate at kaibigan ni Ninong and Dad. Actually nagpumilit talaga ako na sumama, dinahilan ko na lang na ayokong maiwan mag isa sa condo para payagan akong isama ni Mom. Okay lang kay Dad na sumama ako at mas lalo na kay Ninong pero si Mom ang ayaw, ayaw daw niya kasing nagpupunta ako sa bar, hindi niya alam na ginagawa ko lang tambayan 'yun minsan kasama ang mga kaibigan ko. Sa isang araw na ang uwi ni mom at Dad kaya bago sila umuwi ay nag reunion muna silang apat na miyembro ng bandang Oh4 noong araw. Pagdating naming apat sa bar ay nandoon na si Tito Lucas at Tito Axel. Nagmano muna ako sa kanilang dalawa 'tsaka ako umupo sa tabi ni Mom. Katapat ko naman si Ninong. Naging busy silang apat sa kumustahin at kwentuhan sa ilang t

