CHAPTER 80: GAMOT

1907 Words

Dalang dala na 'ko sa halik niya nang makarinig kami ng katok sa pinto. Natigil ang halikan namin at sabay kaming napatingin sa pinto. "Yana...!" Narinig ko ang boses ni Lola. Agad kaming napabangon ni Ninong sa kama. "Ninong doon ka muna sa CR!" Nataranta kong sabi. Agad naman siyang kumilos at pumunta sa CR. Inayos ko muna ang sarili ko at tinungo ang pinto. Bumungad si Lola nang buksan ko 'yun. "Yana, lumabas ka ba ng bahay?" Tanong niya. "Po?" "Basang basa kasi yung sahig sa ibaba mula sa pinto, sa hagdan hanggang dito sa kwarto mo." Sabi ni Lola na nakatingin sa basang sahig sa tapat ng pinto ko. "Ay opo kasi po.... May tinignan lang po ako sa gate!" Sagot ko. Wala akong maisip na idahilan sa kanya. "Bakit naman nagpaulan ka? Pambihira ka naman baka mamaya magkasakit ka eh!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD