"Mom, Dad!" Agad kong niyakap ang parents ko. Last month lang ng makita ko sila pero pakiramdam ko ngayon napakatagal ng panahon ang lumipas. Mahigpit ko silang niyakap. Bukod sa pagka miss ko sa kanila ay naalala ko kasi ang plano namin ni Ninong na pagpapakasal at pakiramdam ko nasasaktan ako para sa kanila pero kailangan ko tiisin. Siguro kung kasal na kami ni Ninong matatanggap rin nila. Alam kong magagalit sila pero alam ko ring hindi nila 'ko matitiis dahil mahal nila 'ko. Namiss ko ang mga kapatid ko kaya isa isa ko rin silang niyakap. Mahigpit kong niyakap si Pierre na bunso kong kapatid, 7 years old na siya. Sumunod ay si Grace na 9 years old. Si Franco 12 years old at si Hanson na 15 years old. Binata na si Hanson kaya ayaw ng magpayakap. Hinampas ko na lang siya sa braso. "A

