Raziel Raffia Lynwood’s Pov Pakiramdam ko ay na-dislocate ang mga buto ko dahil sa sobrang pagkakaipit ko sa passage way na dinaanan namin ni Komi. Sa sobrang sikip ay hirap talaga akong kumilos at gumapang. Pero dahil kailangan kong makalabas sa mansyon na ito ng mga Crisanto bago pa man sumikat ang araw ay pinilit kong lumabas dito. At makalipas nga ang ilang sandali ay tuluyan akong nakalabas at dinala nito sa likurang bahagi ng mansion. “Now that you are out of the mansion, pwede ka nang tumakbo papunta sa mansion niyo,” aniya. Kumunot ang noo ko. “Bakit doon?” “Sa mga oras na ito ay papunta na doon ang mga kasama mo,” sabi niya. “At kung hindi mo sila maaabutan doon ay magsisimula nang kumalat sa buong tower ang ginawa sa iyo ng aking ama.” “Are you sure?” tanong ko. “Pero may

