Raziel Raffia Lynwood’s Pov Talagang pinaghandaan na ng mga magulang nila Lavy at Kaye ang kanilang pag-alis dahil dala-dala na nila ang mga gamit na dadalhin ng mga anak sa pagsama sa akin. Kaya naman nang makapagpaalam na kami ng maayos sa mga maiiwan namin ay agad na kaming nagtungo sa lagusan kung nasaan ang grand staircase na siyang dadaanan namin sa mabilis na pag-akyat. At nang makarating doon ay agad akong sinalubong ni Monica. “Looks like you already got all the answers that you needed,” aniya. “I got more than what I need,” sabi ko. “And all of it shocked me to the point that I nearly questioned all of your motives for being friendly with me and my brothers.” Ngumiti siya. “We actually expect that when Lupica agrees to your plan. Alam namin na hindi mawawala ang pagkakataon

