Chapter 40

1246 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   “Are you…” Napalingon ako kay Dea nang magsimula siyang magsalita.   Kaming dalawa nalang kasi ang nandito sa loob ng tent at nag-aayos ng mga gamit na aming dadalhin para sa pagbalik namin sa 25th floor.   Doon ko sisimulan ang unang experiment na kailangan kong alamin tungkol sa mga erian nang sa gayon ay malaman na namin kung ano ba talaga ang kakayahan ng dugong dumadaloy sa katawan naming magkakapatid.   Makailang beses siyang lumunok hanggang sa seryoso at diretso na siyang tumingin sa akin. “Are you really opposed to the tradition of your clan?” Aba;y hindi na talaga siya nagpapaligoy-ligoy pa. “Hindi ka ba talaga papayag na maging asawa ang sinuman sa kapatid mo para lang sa kapakanan ng mga naninirahan sa toreng ito?”   “Una sa lahat, kapatid ko ang tatlong bugok na iyon,” sabi ko. “Nothing more, nothing less. Hindi namin gugustuhin na sirain kung ano ang tunay naming relasyon ng dahil lang sa paniniwala, tradisyon at kaugalian ng angkang pinanggalingan namin. Pangalawa, we already disregard ourselves out of the clan so we are not required to do anything that involves them. And third? Hindi makakatulong sa mga taong naninirahan sa toreng ito ang pagpapakasal ko sa isa sa mga kapatid ko.”   “R-really?”   “I don’t really care about you and your feelings, okay?” Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon sa pag-aayos ng mga gamit namin. “I am just doing what I think is right for me and for my brothers. Hindi ko gugustuhin na patuloy kaming matali sa mga bagay na may kaugnayan sa angkang pinanggalingan namin.”   Yes, I am being selfish right now. For me to choose what I really want is to continue the legacy of our clan but I don’t really care about all of that.   All I want is to have the freedom that was already taken away from us, first by Erian that forces the remaining humanity to live inside this tower and second, by our clan who wants to control what will happen in our own lives.   And I will do my very best to get that freedom.   But of course, I will do it in a way where everyone will benefit from it.   Like what I am going to do right now.   Learning the ability of our blood so that we will know how to use it against erian and once we get that result, we will be able to take them out of this tower and make all of its floor safe for the humans.   With that, magagawa nang mapakinabangan ng mga maiiwan dito ang lahat ng resources na mayroon sa bawat palapag ng toreng ito.   Iyong mga resources na hindi nila makuha dahil nasa mga palapag iyon kung saan naglalagi ang mga halimaw na erian.   At tingin ko ay hindi na iyon magiging mahirap lalo na’t iba na ang mamumuno sa tore na ito makalipas lamang ng isang linggo.   Kapag nakarating kay Azazel ang lahat ng ginawa namin ay magiging madali na para sa kanyang ayusin ang buong tore kaya isa na din itong paraan upang higit na mapabuti ang mga tao dito.   “I am sorry,” biglang sabi ni Dea kaya muli akong bumaling sa kanya at nanlaki ang mga mata ko dahil nakaluhod na siya sa harap ko. “I am really sorry,”   “What the hell are you doing?” singhal ko sa kanya at bahagya pa akong lumayo. Baka kasi mamaya ay may biglang pumasok at akalain na kinakawawa ko ang babaeng ito. “Tumayo ka nga diyan!”   “Alam kong hindi sapat ang salitang sorry para makabawi ako sa lahat ng ginawa ko sa iyo nitong mga nakaraang araw but please, at least let me say it.” Yumuko pa siya at mukhang walang planong tumayo.   “Geez! Nag-sorry ka na nga, di ba?” sabi ko. “Hindi mo na kailangan pang lumuhod at ipaulit-ulit iyon.”   “But--”   “Just stand up, okay?” sigaw ko. “Kapag may pumasok dito at inakalang inaapi kita, masasaktan na talaga kita. Kaya tumayo ka na diyan.”   Mukhang na-realize naman niya agad ang ginagawa niya kaya agad na siyang tumayo at pinunasan ang kanyang mukha na basa ng luha. “I am sorry again. Hindi ko naisip ang bagay na iyon.”   Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo siya. “Alam mo, wala naman akong pakialam kung ano ang ugaling ipakita mo sa akin. Hindi ako ang pakikisamahan mo kung sakali mang magkagusto din sa iyo si Zuri. Pero huwag na huwag mo lang paiiralin ang katangahan kapag nasa labas na tayo, okay? Iyon kasi ang ikinapapahamak natin eh.”   Aba’y kapag patanga-tanga pa siya uli, hindi na ako magdadalawang-isip na itulak siya palapit sa mga erian para siya na lang ang makain.   Hindi iyong ang mga kapatid ko pa ang mapapahamak dahil sa kanya.   “Don’t worry,” aniya. “Hindi na mauulit ang katangahan ko kahapon. I will do my job without causing any problem.”   Tumangu-tango ako. “That would be great. But it will be better for me if you just stand by, okay? Hayaan mo na lang muna na ang Archdemon ang kumilos dahil sila itong sanay sa mga ganitong sitwasyon.”   “Kung iyan ang gusto mo.”   Medyo kinilabutan ako sa naging sagot niyang iyon ah.   Bigla ba naman kasing bait niya sa akin kaya nakakakilabot talaga. Lalo na’t mula nang magsimula ang pag-akyat namin ay hindi na maganda ang trato niya sa akin.   “Sige na, ayusin mo na iyang mga gamit mo nang makaalis na tayo.” Hinablot ko na ang gamit ko at mabilis na lumabas ng tent.   At nang tuluyan akong makalabas ay sinalubong ako ni Azmir na mukhang natatawa pa kaya may posibilidad na narinig niya kung ano ang pinag-usapan namin ni Dea sa loob ng tent.   “You really don’t know how to accept an apology.” Naiiling na lang siya habang kinukuha sa akin ang bag ko. “You should at least tell her that you are sorry too. For saying too many bad words to her and calling her stupid.”   Tinaasan ko siya ng kilay. “And why would I?” Inirapan ko siya. “Totoo namang tanga siya kaya hindi ko iyon dapat ihingi ng tawad noh. At aware siyang tanga talaga siya noh.”   “But you are being mean to her,” aniya. “You should get along with her because there is a possibility that Zuri likes her back. Maybe she will be our sister-in-law.”   “I don’t need to play nice just to get along with her if she becomes my sister-in-law,” sabi ko. “And I am sure that she will understand me, especially because she knows that I don’t like pretending.”   Kung magkakatuluyan man sila ni Zuri, hindi niya kailangang maging mabait sa akin. Kaya ko naman kasi siyang tanggapin bilang asawa ng kapatid ko pero sana ay maintindihan niya na hindi ako isang mabait na tao kaya ang pagiging masungit ko ay normal lang sa akin.   Aba’y hindi uso sa amin ang pagiging mabait. Lahat kaming magkakapatid ay may itinatagong sama ng ugali. Pero ang akin ang madalas na nakalabas kaya good luck na lang sa kanya kung gusto niya talagang maging parte ng pamilya namin.   Dahil wala naman akong pinipiling tao para ipakita kung ano talaga ang ugali ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD