Raziel Raffia Lynwood's Pov Kung noon ay ginagawa namin ang lahat para iwasan ang mga palapag ng tower kung saan mayroong mga erian na naglalagi, ngayon naman ay iyon mismo ang pinupuntahan namin. Ang mga palapag na nasa ibaba ay ipapaubaya ko na kay Monica. Iyon naman kasi talaga ng trabaho niya. Habang ang mga palapag mula ika-24th floor ay kami na ang bahala. Sa tulong ng kakayahan ni Azmir, naging madali para sa amin ang malaman ang eksaktong kinalalagyan ng mga erian. At dahil sa patuloy niyang pagsasanay ay nagagawa na niyang ma-distinguish kung anong rank ang erian na kayang nalo-locate kaya napaghahandaan namin iyon bago pa namin tuluyang makaharap. Sa tulong naman ng kakayahan ni Adzel, nagagawa naming makaiwas sa ilang walang saysay na labanan. Napag-alaman kasi namin na a

