Chapter 28

1142 Words
Raziel Raffia Lynwood’s Pov   Since we don’t have any choice but to go back downstairs because of those erian hordes that block our way out of the 25th floor, we ended up here at the 23rd floor.   At sa pagtapak palang namin sa palapag na ito ay hindi na agad maganda ang pakiramdam ko. Kaya naman sinabihan ko agad ang mga kapatid ko na talasan ang pakiramdam dahil posibleng may hindi magandang mangyari sa pananatili namin dito.   Napakapit na nga ako kay Zuri habang naglalakad kami nang biglang magsulputan ang ilang tao sa paligid namin at mayroon silang mga hawak na sandata.   “Relax,” mahinang sabi ni Azu. “I will handle this one.”   “Do you know them?” tanong ko at dahan-dahan siyang tumango. “Then., can you guarantee our safety with them?”   “Just…” Huminga muna siya ng malalim pagkuwa’y bumaling sa akin. “Just don’t say a word.”   Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”   “Just up and let him do the talking,” sabay-sabay na sabi nila Zuri, Adzel at Azmir na ikinasimangot ko.   Aba, para naman nilang sinabi na hindi makakatulong sa amin kung magsasalita ako. At parang pinapalabas nila na ang mga lumalabas sa bibig ko ay magpapahamak lang sa amin.   “I didn’t mean anything,” ani Azu. “But please, just stay quiet.” Bumaling din siya sa mga kasama ko. “Not just Raffi, okay? Itabi nyo muna ang mga pinagtalunan nyo kanina nang sa gayon ay makaalis tayo sa palapag na ito ng payapa.”   At dahil sinabi nilang huwag na muna akong magsasalita ay tumango na lamang ako. Kung ganito ba naman kaseryoso ang mukha ni Azu habang nakikiusap na huwag kaming magsasalita ay talagang hindi ko maiiwasang mag-assume na anumang pagkakamali sa side namin ay posibleng magresulta ng ikapapahamak naming lahat.   Ilang sandali pa ay narating na namin ang isang area sa palapag na ito kung saan may mga nakatayong tent. At doon, mas marami pang taong may hawak na sandata ang naglabasan sa kani-kanilang pwesto at seryosong nakatingin sa akin.   “Oh.” Isang lalaki ang lumabas sa pinakamalaking tent at nakangiti itong nakatingin kay Azu. “Look who is here. The former member of Archangel who decided to become a guide to those people that wants to get out of here, Azu Kara.”   Nanlaki ang mga mata ko at tumingin kay Azu.   What the hell? Bakit hindi ko alam iyon?   Narinig ko pa ang pagtawa ng lalaking iyon kaya naibalik ko ang tingin sa kanya at doon ko nakitang nakatingin na din siya sa akin.   “Mukhang hindi alam ng kasama mo kung ano talaga ang ginagawa mo,” sabi pa nito pagkuwa’y lumapit sa amin at inilahad ang kamay sa harap ko. “By the way, I am Lupica Boreas.”   Nagdadalawang-isip ako kung tatanggapin ko iyon pero magiging rude naman ako kung hindi kaya bumuntong hininga na lamang ako tsaka tinanggap iyon at nakipagkamay sa kanya. “Raffi.”   Maraming bagay ang nakakabit sa pangalan at apelyido ko kaya mas mabuti nang hindi ko iyon sabihin sa palapag na ito.   Tinitigan niya akong mabuti at dahil hawak niya ang kamay ko ay hindi naman ako makalayo agad sa kanya kaya naman nakipaglaban nalang ako ng tingin.   Aba’y! Ang dating kasi sa akin ng tingin niya ay para bang sinisindak niya ako kaya hindi pwedeng mangyari kung ano ang inaasahan niya.   Maya-maya lamang ay ngumiti na siya tsaka binitiwan ang kamay ko at bumaling kay Azu. “I don’t know why you are here but it is better for us to talk inside of my tent.” Iginiya niya kami sa sinasabi niyang tent.   Hindi na nagsalita si Azu at agad na lamang sumunod sa sinabi nito. Nauna pa itong pumasok at agad naman kaming sumunod sa kanya.   Kasabayan ko pa ngang maglakad itong si Lupica na hindi yata nawawala ang ngiti sa kanyang labi.   And I find it creepy.   Kahit pa sabihin na gwapo ang lalaking ito, makinis ang kutis, maayos ang build ng kanyang katawan, weird pa din sa paningin ko ang pag ngiti ng wala namang dahilan.   “Pasensya na kung ganito lamang ang loob ng tent ko,” sabi ni Lupica. “But please feel at home. Mukhang mahaba-haba pa ang nilakbay nyo para lang makarating dito.”   Maayos naman ang loob ng tent. May carpet pa nga at mga upuan. Sa kanyang mesa na nasa gitna nito ay mayroong mga nakakalat na papel at ilang mapa na tingin ko ay mapa ng tower na ito.   Kanya-kanyang pwesto na ang mga kasama ko kaya naupo na din ako sa nag-iisang swivel chair na mayroon dito. Aba’y mas komportable na umupo dito kaya inunahan ko na sila.   Pero napansin kong lahat sila ay natigilan habang nakatingin sa akin na ikinakunot ng noo ko.   “Why?”   Hindi sila nagsasalita. Sinesenyasan lang nila ako na hindi ko naman maintindihan kaya inirapan ko nalang sila.   Narinig ko pa ang pagtawa ni Lupica na lihim kong ikinangiwi dahil nawi-wirduhan talaga ako sa lalaking iyon.   “It’s okay,” sabi nito. “Just like what I said before, feel at home.”   Hindi ko na sila pinansin at inisa-isang tiningnan ang mga papel na nagkalat sa malaking mesa ni Lupica.   At dahil hindi siya nag-react sa pakikialam ko ay pinakialaman ko na din ang mga nasa ilalim dahil nagsisimula na akong ma-curious sa mga ito.   Hindi lang kasi ito mapa ng tore. May mga larawan dito na iginuhit kung saan may mga mataas na building sa labas at mayroon itong maaliwalas na tanawin. Mayroon ding mga bundok at burol. Kagubatan at karagatan.   At lahat ng iyon ay hindi makikita sa loob ng tower na ito.   Ah, maliban sa kagubatan.   Mayroon noon sa 16th floor pero ibang-iba ang pagkakaguhit nito kung ikukumpara doon dahil mayroon itong maliwanag na kalangitan at mga ibon na lumilipad sa himpapawid.   At sinisigurado ko na hindi ito galing sa kahit na anong libro. Hindi ito kinopya lang sa ibang larawan kaya naman hinablot ko ang isang nito at itinaas paharap kina Azu.   Napatingin naman silang muli sa akin dahil sa biglaan kong pagkilos at napakunot ang noo.   “Where--” Nakagat ko ang labi ko.   Naalala ko kasi ang sinabi nila Azu kanina na huwag akong magsasalita but I really need to know about this one.   Nakatitig lang sa akin si Azu. Wari’y naghihintay din ng aking sasabihin pero ang mga kapatid ko naman ay todo ang iling upang huwag kong ituloy ang sasabihin ko kaya napabuntong hininga na lamang ako at dahan-dahang ibinaba ang papel na hawak ko.   “Did he tell you not to say anything in front of me?” biglang tanong sa akin ni Lupica na ikinalaki ng mga mata ko.   Oh s**t! What am I going to do?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD