Blake POV Mas gumaan ang loob ko ngayon. Masaya ako na pumayag si Jewel sa set-up na gusto ko. Alam ko nagiging selfish ako but what can I do? I love her. At susubukan kong ipaglaban iyon. Hindi ko hahayaang matuloy ang kasal namin ni Hazel. "Saan ka galing kanina, Blake? Bakit half-day ka na pumasok?" Tanong ni Hazel. Kauuwi lang namin dito sa bahay. Nagpapahinga ako dito sa salas. "It's none of your business." Sagot ko. Hanggang ngayon, badtrip pa din ako dahil niloko nila ako. Na hindi pala totoong inampon lang si Hazel. Damn it! They lied to me. "Galit ka pa rin ba sa'ken Blake? Sorry. Sinusunod ko lang ang gusto ng parents ko. Di ko naman ginustong lokohin ka at magsinungaling sa'yo." I know. Wala siyang kasalanan dahil sumusunod lang siya. Pero andon pa rin 'yung katotohana

