Sa kabilang banda, sa mansion ng pamilya Allarde, tahimik ang buong bahay nang araw na iyon. Nasa loob ng kanyang pribadong opisina si Lucas Allarde habang nakaupo sa kanyang malaking mahogany desk. May hawak siyang isang sobre—ang parehong sobre na naglaman ng resulta ng DNA test. Ilang araw na ang lumipas mula nang malaman niya ang katotohanan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na maipaliwanag ng kanyang puso ang nararamdaman. Pagkatapos ng maraming taon ng paghahanap… Natagpuan niya rin ang kanyang anak. Ang anak na akala niya ay tuluyan nang nawala sa kanya. Napahinga siya nang malalim bago pinindot ang intercom sa kanyang mesa. “Let Atty. Dela Rosa in,” utos niya sa sekretarya. “Okay, Sir,” sagot nito mula sa kabilang linya. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto

