Chapter 20 -Singsing

1031 Words

Dumating ang weekend na matagal ding hinintay ni Lia. Tahimik ang loob ng kotse habang binabaybay nila ang daan papunta sa bahay ng ama ni Gino. Si Gino ang nagmamaneho habang si Lia naman ay nakaupo sa passenger seat, pero halatang hindi siya mapakali. Paulit-ulit niyang pinaglalaruan ang dulo ng kanyang damit habang nakatanaw sa bintana. Napansin iyon ni Gino. Saglit siyang napatingin sa kanya bago marahang inabot ang kamay ni Lia. "Lia… ang lamig ng kamay mo," gulat niyang sabi. Napakagat-labi si Lia bago siya sumagot. "Kinakabahan kasi ako." Ngumiti si Gino. Dahan-dahan niyang dinala sa labi ang kamay ng dalaga at marahang hinalikan iyon. "Relax, my girl," mahina niyang bulong. "Andito lang ako." Napatingin si Lia sa kanya. "Ang ganda-ganda mo nga ngayon," dagdag pa ni Gino

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD