FRAUD'S POV Lumabas na nga si Ada sa opisina ko ng hindi ko nakokonbinse na huwag ituloy ang pakikipag-dinner mamayang gabi kay Mr. Corpo. Ewan ko ba. Ang tigas talaga ng ulo ng mahal ko. Wala akong magawa para hindi ko siya mapapayag. Hay naman talaga. Umupo na lang ako sa swivel chair ko at sumandal. Pinaikot ko ito habang nakapikit. "What will I do para hindi siya matuloy mamaya sa dinner nila ng maniac na ‘yon?" Pumikit muna ako saglit. Nag-isip. Pagdilat ko ay, "Hi, baby," Napatayo tuloy ako ng ulo ko dahil nakita ko si Thea na nakaupo sa desk ko. "Ms. Lee, what are you doing here?" tanong ko rito bigla. Hindi ko kasi namalayan ang pagpasok niya sa loob ng opisina ko. "Fraud, don't be so formal,” she said habang hinihilot ang ba

