Habang kumakain kami ni DJ ay wala kaming pansinan sa isa’t-isa. Napapatingin naman ako sa mga kasabay naming couples na nandoon din sa Luncheon area. Sila ay makikita mong nagtatawanan at nagngingitian sa isa’t-isa samantalang kami ng kasama ko ay parang hindi magkasundo. Or should I say talagang hindi naman kami magkasundo. Tumingin ako sa kanya. Focus siya habang kumakain kaya hinayaan ko na lang siya. Tapos ay tumayo siya. "You want coffee, Honey?" tanong niya na kinagulat ko. Napalaki naman ang mata ko pero biglang nanlisik sa kanya at nagtaas ng kilay. Tapos napatingin ako sa isang staff na nakatingin sa amin kaya naman biglang nagbago ang itsura ko. From naiirita at nagagalit into super sweet plastic ngiti. "Am, Honey, juice lang sa akin. Meryen

