Kinabukasan ay hindi ako maagang nagising. Dahil umagang-umaga pa lang ay hindi na okay ang gising ko. Paano at bakit? Dahil maya-maya lang ay makikita ko na naman ang impaktong lalaking ‘yon na paniguradong magpapasira na naman sa buong araw ko. Bumangon na nga ako at nag-ayos ng kama. Pagkatapos ay kumuha ng damit na susuotin ko at saka naligo na sa banyo. Mabilis lang naman akong maligo dahil hindi ako pwedeng magbabad masyado. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako kaagad at bumaba para mag-almusal. Pagbaba ko ay nakita ko si Mommy sa mesa habang naghahanda. “Good morning, Anak,” bati nito sa akin habang nakangiti. Lumapit naman ako rito at hinalikan siya sa pisngi. “Morning po, Mommy,” simpleng sagot ko lang dito. Walang ekspresyon. “U

