"As I was saying, gusto ni Mr. Lee na pag-aralan nating mabuti kung ano ang nakakapagpaganda at nakakapagpaakit sa mga turista na riyan tumuloy sa resort na ‘yan para mas higitan ng Le Gran," he finally said. Ang dami pang binalikan, ‘yan din naman pala ang tuloy. Ang daming pa-extra ikot pa. Hay nako, nakakainis talaga! "Okay, so that's our task?" tanong ko. "Yap. That's our project," ulit niya na nakangiti pa. Hay nako. Ewan. "Okay," sabi ko sabay talikod at labas ng conference room. Iniwan ko na siyang mag-isa sa loob. At wala naman akong balak na samahan pa siya roon. Bumalik na ako ng office ko. Naupo at nag-browse ako ng mga papers. Nagulat ba kayo? Sa totoo lang, hindi nag-sink in sa akin ‘yong mga sinabi ni DJ. Hindi k

