FRAUD'S POV Inaya ko nga si Ada na mag-dinner sa labas dahil gusto ko siyang makasama ng mas matagal. Pumayag din naman ang mga magulang niya basta maiuwi ko siya bago mag-10 ng gabi. Parehas kasi kaming may pasok ng maaga bukas kaya naman hindi pwedeng gabihin siya ng uwi. “Sure ka ba na gusto mo sa garden ng mall tayo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa elevator. Doon niya kasi naisipan sa may garden ng mall kasi maganda raw. “Opo, Sir, doon ko po gusto, maganda po kasi roon,” nakangiti niyang wika sa akin. “Okay, you say so,” sagot ko na lamang dito. Wala naman kasi sa akin kung saan niya gustong pumunta, basta ang mahalaga ay magkasama kami, iyon lang naman ang gusto ko. "Sir, nabo-boring ka na po ba?" she asked habang nakaupo kami sa

