ADA'S POV Okay na sana ang araw ko eh kaso nakita ko si Thea kanina tapos ang masakit pa, parang may something na sa kanila ni Fraud ko. Paano ba naman kung makahawak siya sa braso ni Fraud gano’n gano’n na lang. Nakakainis lang kasi kahit na wala naman akong karapatan para mainis nang ganito. "Ada," tawag ni Lanz bigla sa akin. Humarap naman ako sa kanya, "Oh?" "Ang Lalim na naman ng iniisip mo," sita nito sa akin. Bumuntong hininga ako rito at saka sumagot nang, “Wala ka na do’n." "Oh, ba’t naiinis ka na naman diyan?” tanong nito, “Wala naman akong ginagawang masama sa iyo," sabi pa niya. Umismid lang ako rito, "Oo na." Alam ko nagtataka si Lanz sa ganitong ikinikilos ko, pero anong magagawa ko? Naiinis talaga ako. "Uhm, tara pala, meryend

