Elle’s POV ILANG beses akong patingin-tingin sa entrance kung may Maverick na maliligaw pero wala. Buti na lang naging abala ako sa dami ng customers. Nang magbandang tanghali pumasok ako sa aking opisina. Wala na ako sa wisyo at sapat na konsentrasyon dahil hindi alam ni Sydney kung nasaan siya. Matapos ng nangyari sa amin kahapon he looked me na parang may gustong sabihin pero wala ni isang salitang lumabas sa kanya. Nagbihis siya after that he left. Confused. Maghapon akong hindi mapakali. Ilang tasa na ng kape ang nauubos ko pero wala pa rin akong ibang naiisip kundi siya. Si Maverick. Nasaan ka ba Mav. Bakit ka umalis? Mga tanong na wala naman sagot. Hindi ko alam kung nagi-guilty siya sa nangyari ko. Ang huling alaala ko ay ang mukha niyang naguguluhan, takot, habang lumalabas

