Elle’s POV “I know, I am willing to wait, Elle, no matter how long, even if eternity. Kahit minsan lang, kahit Pahiram Ng Isang Gabi, I will stand by your side.” Pinunasan niya ang mga luha. “Hindi na ako malinis gaya ng inaakala mo.” Naiiyak kong saad. Diring-diri ako sa aking sarili. Dapat ipinagkaloob ko lang iyon sa lalaking sigurado ako at mahal na mahal ko. “Kahit ilang lalaki pa ang dumaan sa buhay mo, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin, para sa aking ikaw ang pinaka malinis na babae. It is just virginity, Elle. I am not after it. Ang daming virgin sa mundo, pero ikaw ang gusto ko. Ikaw lang. H’wag mo naman akong ipagtulakan papalayo. Hindi mangyayari iyon.” Humagulgol na ako ng iyak. Walang pagsidlan ng kaligayahan ang puso ko. “Gusto rin kita—” Walang pasubali na inangkin ni

