Elle’s POV Sa unang tingin, parang ordinaryong umaga lang ang lahat, sunlight filtering through the curtains, mahina ang tunog ng kettle sa kusina. Pero ramdam ko nilang ina ang bigat, mga salitang hindi maisatinig. Mga kilos na hindi mapakali. Paglabas ko ng silid, nakita ko si Ava sa may sofa, nakayuko, hawak ang mug pero hindi umiinom. “Good morning, sweetheart,” mahina kong bati.Nag-angat siya ng tingin, maputla ang mukha. “He’s awake, Tita Elle,” Parang huminto ako sa paghinga. “Si Ravick?” Tumango siya. “Pero… parang wala siyang maalala, Tita. Parang hindi niya alam kung paano siya nakauwi.” Ilang sandaling natigilan ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman, dapat bang magpasalamat ako na nakauwi siya nang buhay, o matakot na baka may mas malalim pa itong pinagdad

