AVA’s POV PARA akong nabunutan ng tinik. Sayang satisfying ang presentation lalo pa si Blaze ang nag present it almost perfect. Pagkatapos ng final presentation, sobrang gaan sa pakiramdam. May aberya man pero nagawan naman ng paraan. Thank you, Lord. Nakaupo kami sa labas ng unibersidad, hawak ni Sylvia ang malaking paper cup ng kape habang si Elmer yong bagong kaibigan naming half-Italian exchange student, kumakain ng croissant na halatang ninakaw pa niya mula sa canteen. Sana all na lang pwedeng mag nenok ng croissant. “Finally,” wika ni Sylvia, nakahinga nang malalim. “Tapos na ang architectural nightmare. I deserve a night out! Gosh! Parang naubos ang eyebrow tattoo ko sa project na iyon! Promise!” Eksaheradang komento ni Sylvia. Napangiti na lang talaga ako sa over acting niya.

