Elle’s POV SA BAWAT sulok ng condo may bakas ni Mav ang mug niya sa counter, ang jacket niyang nakasabit pa sa likod ng pintuan, at ang gitara niyang hindi na tinugtog simula ng nasa Europe kami. Bumagsak ako sa sofa, hawak ang unan na madalas niyang ginamit kapag nandito siya sa aking condo. Amoy pa rin niya. ‘Yung halong pabango at kape na palaging nagpapa kalma sa’kin dati. Ngayon, nakakasakal. Naninikip ako sa ideyang wala na siya. Hindi ko na siya mahahawakan. Mayakap, mahalikan. O marinig man lang ang malambing niyang boses. Bihira kong magalit. “Why did you do that?” Bulong ko, paulit-ulit. “Bakit mo ako iniwan?” Iyak ako ng iyak. Pero wala namang sagot. Kundi tunog lang ng ulan sa labas, parang tinutukso ako. Tumayo ako, binuksan ang mga ilaw. Pero kahit maliwanag, parang m

