Elle’s POV NAPAKAGAT ako ng aking pang-ibabang labi. Hawak-hawak ni Mav ang kamay ko. Ang isang kamay niya nasa manibela. Papunta kami ngayon ng Bataan dahil gusto ni Ravick may swimming sa dagat at maglaro ng puting buhangin. Ilang oras din kaming bumiyah. Para marating ang Sisiman beach sa Mariveles Bataan. Bumungad agad sa amin pagpark lang ang lamig at maalat na simoy ng hangin. Parang yakap ng alon na ayaw mong pakawalan. Mabilis kaming nag check-in sa villa malapit sa dagat ay may pool indoors na rin perfect sa isang buong pamilya. Mula sa veranda ng seaside restaurant ang pinili ni Mav, tanaw ko ang mahinang hampas ng alon at ang liwanag ng papalubog na araw kulay kahel iyon at sobrang sarap sa mata. “Perfect sunset,” wika ko, habang inaayos ang buhok kong nilalaro ng hangin.

