♛❤ Seventeen❤♛ Val: Sh*t naman o! I immediately covered my head nang bumuhos ang isang malakas na ulan. Sinamahan pa talaga ng malakas na hangin at pansin kong kumuha si Fernan ng isang dahon mula sa saging sa may ‘di kalayuan. Wala pa kaming kalahating oras dito and I was quite entertained by the chanting creek. Nasa gitna ito ng mga malalaking punong kahoy at sobrang tataas ng mga baging. Those white and bluish flowers attached beautifuly in each vine truly made me excited. I took a video and pictures of the magnificent creatures here that hid in the middle of the Ademar’s hacienda. Nakakainis naman ‘tong ulan! “Salamat, Fernan.” Sabi ko at tatahakin na sana ang daan pauwi nang mabilis nitong ibinigay ang sombrero nito. “Isuot po ninyo, seniorita..” Magalang na sab

